日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ01-1

1
Sistema ng edukasyon
Naglagda ang Japan nuong 1994 sa treaty ng United Nations ng 1989 tungkol sa “Karapatan ng Bata” . Ukol dito, ang karapatan sa edukasyon ng mga bata ay dapat ipagtanggol at igalang. Ang gobyernong Hapon ay hindi obligadong pwersahin ang magulang ng batang dayuhan upang pag-aralin ang kanilang mga anak ngunit mayroong karapatan ang mga bata na makapag-aral.

1-1 Sistema ng Edukasyon sa Japan
(1) Ang Sistemang 6-3-3-4
Ang sistema ng edukasyon sa Japan ay nahahati sa sumusunod na taon: 6 na taon sa Elementarya, 3 taon sa Junior High School, 3 taon sa Senior High School at 4 na taon sa Unibersidad (2 taon sa Junior College).
(2) Sapilitang Edukasyon
Dahil ang mababang paaralan at ang junior high school ay edukasyong sapilitan o katungkulan ayon sa batas, ang lahat ng bata ay inaasahang magtapos nito. Ang Sapilitang Edukasyon ay ipinagpatupad para sa mga batang Hapon, ngunit ang mga batang dayuhan na nasa edad 6 na taon hanggang 15 taon na nagnanais mag-aral ay maari din pamahagian ng pagkakataong pumasok sa paaralan tulad ng mga batang Hapon. Mabuting pag-aralin ang mga bata upang mapaghandaan ang magandang kinabukasan nila. Makipagsanggunian lamang sa malapit na munisipyo ng tinitirahan.
(3) Mga iba pang detalye
Kapag nakatapos ng pag-aaral sa junior high school ang mga batang Hapon, sila ay tumutuloy sa high school o unibersidad. Gayunpaman, upang makapasok sa high school o unibersidad, kinakailangang kumuha ng pagsusulit.
Bago pumasok ang mga bata sa elementarya, mayroong Kindergarten o Preschool. Mayroon ding Technical College at iba’t-iba pang uri ng paaralan para sa mga batang nakapagtapos ng junior high school o senior high school na magpapaunlad sa mga kakayahan at kaalaman ng mga estudyante na kailangan para sa iba’t-ibang hanapbuhay. Mayroon ding mga nakatatag na paaralan para sa mga batang may kapansanan.


CLAIR