日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ02-1

2
Edukasyon bago pumasok sa pormal na pag-aaral
Ang edukasyon para sa mga batang wala pa sa sapat na edad upang pumasok sa pormal na pag-aaral ay maaring mag-aral sa mga Kindergarten.
2-1 Kindergarten (youchien)
Ang Kindergarten ay bukas sa mga batang may edad na tatlong taon at nag-aalay ng edukasyon hanggang makapasok ang bata sa elementarya. Mayroong pampublikong ipinatayo ng bansa, pampublikong ipinatayo ng perepaktura o munisipalidad at pribadong Kindergarten. Ang mga ito ay pinangangasiwaan ng bansa, munisipalidad o komunidad. May mga lugar na kung saan may ibinibigay na tulong para sa pagbayad ng pribadong Kindergarten.
* Ang mga batang kulang o nangangailangan ng pangangalaga ay maaring ipaubaya sa mga Day Care Center matapos makatanggap ng permiso mula sa gardiyan o tagapag-alaga ng bata. Para sa karagdagang impormasyon ukol dito, basahin ang H Panganganak at pag-aalaga ng bata, 5-1 Kinikilalang Day Care Center.


 

Publikong Kindergarten

Pribadong Kindergarten
Ang maaring pumasok mga edad 4-5 taong bata na nakatira sa bisinidad(may mga lugar na tumatanggap din ng mga batang 3 taon ) 3-5 edad
Mga oras ng tanggapan mula alas 9 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon, sarado tuwing sabado, linggo, piyesta opisyal, mga bakasyon ng tanggapan tuwing summer, winter, spring at autumn iba-iba depende sa tanggapan
Panahon ng pag-aplay mula huling linggo ng Oktubre hanggang ika-unang linggo ng Nobyembre mula huling linggo ng Oktubre hanggang ika-unang linggo ng Nobyembre
Pasahan ng mga dokumento iba-iba depende sa tanggapan iba-iba depende sa tanggapan
Mga babayarin entrance fee, tuition fee Maliban sa entrance fee at tuition fee, mayroon mga Kindergarten na nagkokolekta ng bayad para sa mga pasilidad at donasyon. Sa mga Kindergarten na mayroong pagsusulit upang makapasok dito kailangang magbayad ng screening fee.
Maaring pasukan malapit sa lugar na tinitirahan walang itinatakda
Mga iba pang detalye ang pagahatid at pagsundo pati ang baon ng bata ay responibilidad ng gardiyan; iba-iba ang mga babayarin depende sa distrito kaya kinakailangang makipagsangguni sa munispilidad o Board of Education ng distritong tinitirahan May mga munisipalidad na nagbibigay ng iba't-ibang tulong pinansyal tulad ng tulong para sa entrance fee, tuition fee, at mga iba't-iba pang babayarin. Ang mga day-care centers ay may mga iba't-ibang day-care center mission kaya mangyari lamang makipagsangguni sa mga day-care center


CLAIR