日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ02-2

2
Edukasyon bago pumasok sa pormal na pag-aaral
2-2 Mga kinikilalang pasilidad para sa bata
Para sa mga batang wala o nagtatrabaho ang nga gardiyan o tagapag-alaga, mayroong pasilidad na pinagsalinan ang katungkulan ng Kindergarten na magbigay edukasyon sa bata at ang katungkulan ng Day-Care Center na alagaan ang bata. Maaari din tumanggap ng payo tungkol sa pagpapalaki ng bata ang mga pamilya dito.
Ang pasilidad para sa mga bata ay nahahati sa apat na uri: ang pinagsamang Kindergarten at Day-Care Center, ang Kindergarten, ang Day-Care Center at iba pang hindi kinikilalang pasilidad. Iba-iba ang mga pasilidades at pamamahala ng mga ito kaya kinailangang intindihin at kumpirmahin ang tungkol sa bawat uri nito.

- Paggamit: Dumiretso sa kinikilalang pasilidad para sa bata.
- Pagbayad: Iba-iba depende o ayon sa itinatakda ng pasilidad. Ang kabayaran sa paggamit ng mga pasilidad ng Day-Care Center ay naayon sa laki ng kinikita ng gardiyan o tagapag-alaga.
- Pinansyal na tulong: Mayroong sistema upang makatanggap ng pinansyal na tulong sa mga Kindergarten.
Kung nais gamitin ang sistemang ito, mangyari lamang na sumangguni sa Dibisyon ng Kalusugan at Pampublikong Serbisyo (Health and Welfare Division) ng inyong tinitirhang perepaktura.


CLAIR