
|
Elementary school at junior high school |
|
Ang Elementary School sa Japan na nabubuo ng 6 na taon at ang Junior High School na nabubuo naman ng 3-taon ay edukasyong katungkulan ayon sa batas o ang tinatawag na sapilitang edukasyon. Ang buhay-paaralan sa Japan ay may sinusunod na tradisyon, mga ibento, at patakaran. Intindihin at unawain nang maigi ang mga ito upang pumasok sa paaralan ang mga bata na may panatag na loob at may masayang buhay-paaralan.
3-1 Edad ng pagpasok sa paaralan
Ang edad ng pagpasok sa paaralan ay ang angkop na edad para magsimulang mag-aral ang bata. Ang elementarya ay simula 6 na taong gulang at ang junior high school ay para sa batang nasa edad 12 taon.
Naaayon ang baytang o grado ng bata ayon sa kanyang edad. Ang mga batang dayuhan ayon sa patakaran ay kinakailangan din pasalihin sa klase na kung saan kasing edad niya ang mga estudyante.
3-2 Mga gastusin
| Pampublikong paaralan |
entrance fee sa elementarya, junior high school at tuition fee, libro ay libre ngunit ang mga iba pang kailangan na gamit sa paaralan, baon, field trip fee, uniporma at iba pa ay sariling bayad. |
| Pribadong paaralan |
lahat ay sagot ng pamilya |
|