Kung nais ipasok ang bata sa pampublikong paaralan ng perepaktura, kailangang pumunta sa munispyo ng lugar o Board of Education ng inyong distrito at ipahayag ang inyong kahilingan na ipasok ang anak sa pampublikong paaralan. Kayo ay bibigyan ng porma na kinakailangang sagutan at ibigay ang mga hinihinging impormasyon. Matapos itong sagutan, ito ay ipapasa kasabay ng pagpresenta ng Alien Registration Card ng gardiyan o tagapag-alaga ng bata. Maaring gawin ang proseso kahit kailan. Kapag nais namang ipasok ang bata sa internasyonal skul, pampubliko o pribadong elementarya o junior high school, dumiretso lamang sa paaralang nais pasukan.
* Kapag nagpatala ng Alien Registration Card ang isang dayuhan na may anak na nasa tamang edad ng mag-aral sa sumunod na taon, ito ay padadalhan ng dokumento na nagpapaalala na maaari ng pag-aralin ang bata. Nakapahayag din sa dokumento kung saang paaralan maaaring ipasok ang bata at ang araw ng pagsusuri sa kalusugan ng bata na kailangan isagawa bago makapasok sa paaralan.
* May mga pagkakataon na nakakalimutang mapadalahan ng paala tulad ng nabanggit sa taas kaya kung ang anak ay malapit ng maging 6 na taong gulang, huwag mag-atubiling pumunta sa nalalapit na munisipyo upang maisagawa ang proseso.