日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ03-4・5・6

3
Elementary school at junior high school
3-4 Proseso ng pagpasok sa gitna ng semestre
Kung nais ipasok ang anak sa pampublikong elementarya o junior high school ng perepaktura, kailangan isagawa ang prosesong pagpasok sa paaralan sa munisipyong sumasakop sa tinitirahan. Pagnatapos ang proseso, kailangang pumunta sa naitakdang pagpapasukang paaralan sa nakatakdang araw. Bilang patakaran, inilalagay ang bata sa tamang baytang o grado ayon sa kanyang edad, ngunit dahil sa hindi sapat na kakayahan ng bata sa wikang Hapon, pansamantalang inilalagay ang bata sa baytang na mas mababa ng isa sa dapat nitong baytang o grado. Kung may mga katanungan o abala ukol dito, mangyari lamang na makipagsangguni sa Board of Education ng distrito o sa guro ng paaralan.
Kung sa Internasyonal Skul, pampubliko o pribadong paaralan naman nais ipasok ang bata, dumeretso sa paaralang napili.
3-5 Buhay paaralan (Kapag hindi pa sapat ang kaalaman ng bata sa wikang Hapon)
Ang lahat ng klase ay isinasagawa sa wikang Hapon. Dahil dito maraming elementarya at junior high school na nag-aalay ng karagdagang klase upang makapag-aral ng wikang Hapon ang mga batang hindi pa sapat ang kakayahan sa paggamit at pagintindi nito. Upang masanay kaagad ang mga bata sa wikang Hapon, nagbibigay ang paaralan ng gabay sa pag-aral ng wikang Hapon at mga payo tungkol sa pamumuhay sa Japan kaya kung mayroong abala, makipag-ugnayan lamang sa guro ng paaralan.
3-6 Buhay paaralan (mga pagdiriwang at selebrasyon)
Mayroong mga iba’t-ibang ibento sa paaralan at ipinapahayag ito ng paaralan sa mga magulang ilang araw bago ito gaganapin. Ang pagsali sa mga ibento ng paaralan ay isang mabisang paraan upang masanay ng mabilis sa buhay sa Japan kaya maging aktibo sa pagsali sa mga ito. Ang mga ibento sa paaralan ay tulad ng mga sumusunod:

・ Sportsfest: ito ay ginaganap tuwing bakasyon sa Spring at Autumn upang mapalapit ang loob ng lahat sa sports. Suportahan ng buong pamilya ang bata.
・ Field trip: ito ay isang araw na balikang pagpapasyal na pinangangasiwaan ng guro.
・ School Excursion: Ginaganap sa pagtatapos na taon ng bata. Lahat ng magtatapos na estudyante ay karaniwang kasali dito at ito ay hindi balikan kung hindi obernayt na aktibidades.


CLAIR