日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ03-7・8・9

3
Elementary school at junior high school
3-7 PTA
Nagsasagawa ang paaralan ng isang pagtitipon ng mga guro at magulang ng bata. Ito ay isang pagtitipon na kung saan nagtutulungan ang mga magulang at mga guro upang magsagawa ng mga iba’t-ibang aktibidades para sa mga bata.
3-8 Mga gawain o aktibidades pagkatapos ng klase (Mga club para sa mga mag-aaral)
Para sa mga batang nasa pinakamababang baytang (1-3 baytang) sa elementarya na wala ang mga magulang o gardiyan sa tanghali o pagkatapos ng eskwela, mayroong club na naaangkop para sa kanila. Ito ay isang club na naghahatid sa mga bata ng iba’t-ibang klase ng laro o aktibidad na makakapagpalakas ng kanilang isip at kalusugan. Basahin ang H Panganganak at pag-aalaga ng bata 5-2 Mga gawain o mga aktibidades pagtapos ng klase
3-9 Kapag nagtapos ng junior high school
Pagkatapos ng junior high school, maraming iba’t-ibang paraan ng pagpapatuloy sa pag-aaral tulad ng pagpasok sa High School (koutou gakkou), Technical School (koutousenmon gakkou), Special Training School, Iba’t-ibang klaseng Paaralan (kaku gakkou), o Vocational School (shokugyou gakkou). Maaari ding magtrabaho habang nag-aaral part-time (teijisei) o nag-aaral sa pamamagitan ng correspondence (tsuushinsei).


CLAIR