日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGJ04-1・2・3

4
High school
Ang koutou gakkou ay kung tawaging High School. Mahigit 90% ng Hapon ay
itinutuloy ang pag-aaral sa High School. Katulad din ng Elementarya at Junior high school, ito rin ay may mga uri tulad ng pampublikong high school na pinapamahalaan ng bansa, pampublikong high school na pinangangasiwaan ng perepaktura o munisipalidad, at ang pribadong high school. Ang mga maaring pasukan na high school ay nakatakda ayon sa tinitirahang distrito. Dahil ang high school ay hindi sakop ng sapilitang edukasyon o kailangang edukasyon ayon sa batas, hindi libre ang mga gastusin dito.
4-1 Para makapasok sa high school
Upang makapasok sa high school, kinakailangang ipasa ang pagsusulit nito. Mayroon ding mga high school na maaring pasukan sa pamamagitan ng interbyu lamang na kung tawagin ay suisen nyuugakuseido. Ito ay maaari kung ang mag-aaral ay may matataas na grado o magaling sa isang linya. Mayroon ding mga high school na mayroong espesyal na sistema upang makapasok ang dayuhang mag-aaral dito. Makipag-ugnayan sa nais na pasukang paaralan.
4-2 Ang maaaring pumasok sa high school
Ang maaring kumuha ng pagsusulit upang makapasok sa high school ay mga mag-aaral na malapit ng magtapos ng junior high school o mga mag-aaral na may akademikong kakayanan na katumbas o mas higit pa sa mga nagtapos ng junior high school sa Japan. Kung nagtapos ng junior high school sa ibang bansa kinakailangan ng dokumento na nagpapatunay nito.
4-3 Junior high school equivalency test (Chuugakkou Sotsugyou Teido Nintei Shiken)
Mayroong pagsusulit na ibinibigay ang bansa upang makumpirma na ang mag-aaral ay tunay na may akademikong kakayanang katumbas ng mag-aaral na nagtapos ng junior high school. Kahit ang mga batang dayuhan na 15 taong gulang sa ika- 31 ng Marso ng taon ay maaring kumuha ng pagsusulit na ito.


CLAIR