
|
Unibersidad at junior college |
|
Para sa mga mag-aaral na nakapagtapos ng high school o mayroong akademikong kakayanan katumbas ng mga ito, mayroong unibersidad o junior college.
6-1 Unibersidad at Junior College
(1) Ano ang tinatawag na unibersidad at junior college?
Ang unibersidad at junior college ay nahahati sa tatlong uri batay sa namamahala o nangangasiwa dito. Nasyonal na pinapamahalaan ng bansa, pampubliko na pinangangasiwaan ng perepaktura o munisipalidad, at ang pribado na pinangangasiwaan ng nagpapalakad ng paaralan.
Ang junior college ay tandai kung tawagin.
Ang unibersidad ay hanggang 4 na taon habang ang junior college naman ay hanggang 2 taon lamang.
(2) Para makapasok sa unibersidad at junior college
Kinakailangang makapasa sa pagsusulit upang makapasok dito ngunit mayroon ding unibersidad na tumatanggap sa pamamaraan ng sistemang rekomendasyon. Ang gastusin ay iba-iba bawat unibersidad kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa nais na pasukang uibersidad.
(3) Ang maaaring pumasok sa unibersidad at junior college
Maaring kumuha ng pagsusulit ang kahit sino mang nakakamit o nakaabot sa isa sa mga sumusunod:
・ nakatapos ng high school sa Japan o kahit sa ibang bansa
・ nakapasa sa pagsusulit na nagpapatunay na ang mag-aaral ay may akademikong kakayanan na katumbas sa isang mag-aaral na nagtapos ng high school
・ mayroong kuwalipakasyong naaayon sa internasyonal na pagsusulit na nagpapatunay na maaring pumasok sa unibersidad at magiging 18 anyos sa Abril a uno ng taong papasukan
(4) Entrance examination (nyuugaku shiken)
Ang pagsusulit ng nasyonal at pampublikong unibersidad ay nahahati sa dalawa na kung tawagin ay ichiji sentaa shiken na kailangang kunin lahat ng mga ibig pumasok at ang dainiji shiken na ipinangangasiwa ng bawat unibersidad. Ang araw at laman ng pagsusulit ng pribadong unibersidad ay iba-iba.
|