●Scholarship na para sa mga mag-aaral na high school
Mayroong ibinibigay na tulong ang perepaktura sa mag-aaral sa high school o vocational school na may matataas na grado ngunit may pinansiyal na problema. Ang mga kondisyon upang makahiram ng pera para sa pag-aaral at sa presyo ng perang maaring hiramin ay iba-iba bawat perepaktura. Upang maintindihan ang nilalaman ng sistema, makipag-ugnayan sa kasalukuyang pinapasukang paaralan.
●Scholarship para sa mag-aaral sa junior college, special training school, at unibersidad
Ang Japan Student Support Organization ay nagbibigay ng scholarship para sa mga mag-aaral sa junior college, special training school, unibersidad at iba pa. Ang kondisyon sa pagpapahiram ng pera at ang panahon kung kailan ito kailangan ibalik ay iba-iba bawat estudyante. Mayroon din itong dalawang uri: ang may interest at ang walang interest. Para sa karagdagang detalye, makipag-sangguni sa sanggunian ng scholarship ng paaralang pinapasukan.
●Scholarship para sa mga estudyanteng dayuhan
Mayroong scholarship para sa mga estudyanteng dayuhan na galing sa Pamahalaan ng Japan (Ministro ng Edukasyon o
monbukagakushou), Japan Student Support Organization, iba’t-ibang samahan at asosasyon ng international relations o
kokusai kouryuukai kung tawagin. Ang listahan ng mga nabanggit ay makikita sa handbook na ipinagkakaloob ng Japan Student Support Organization na tinatawag na “Japan Scholarship Pamphlet”
http://www.jasso.go.jp/study_j/scholarships_sfisij.html
| Pinagkakalooban |
Scholarship |
Sanggunian |
| mag-aaral sa High school |
scholarship mula sa prepektura na tinatawag na todoufuken shougakukin |
pinapasukang paaralan |
| mag-aaral sa junior college, special training school, at unibersidad |
scholarship mula sa Japan Student Support Organization na tinatawag na nihon gakusei shien kikou shougakukin |
sanggunian ng scholarships sa pinapasukang paaralan |
| estudyanteng dayuhan |
galing sa Pamahalaan ng Japan na tinatawag na nihonseifu (monbukagakushou) shougakukin |
embahado o unibersidad ng Japan |
| scholarship mula sa Japan Student Support Organization na tinatawag na nihon gakusei shien kikou shougakukin |
|
| |
scholarship para sa mga studyanteng nag-aaral sa sariling pundar. Ito ay tinatawag na shihi gaikokujin ryuugakusei shougakukin |
unibersidad ng Japan |
| scholarship para sa mga studyanteng nag-aaral sa sariling pundar. Ito ay tinatawag na shihi gaikokujin ryuugakusei shougakukin (para sa mga estudyante ng paaralan ng wikang Hapon) |
paaralan ng wikang Hapon |
| scholarship para sa maikliang panahong mag-aaral sa Japan na tinatawag na tankikan ryuugaku suishin seido |
unibersidad ng Japan |
| scholarship mula sa samahan at asosasyon ng internasyonal na pakikipagpalitan o kokusaikouryuukai |
mga asosasyon o sa paaralan |
| scholarship mula sa mga pribadong grupo na kung tawagin ay minkan dantai shougakukin |
mga pribadong grupo |
Mula sa [Japan Foreign Student Scholarship Pamphlet], Japan Student Support Organization