
Mayroong sistema na tumutulong sa pagpapa-aral ng mga estudyante na galing sa pamilyang may pinansyal na kahirapan.
(1) Tulong sa pag-aaral
Mayroong sistema na tumutulong sa mga pamilya na nahihirapang magpa-aral ng anak sa elementarya at junior high school. Kung may kagipitan sa gastusin para sa kagamitan sa paaralan, gastusin sa pagpunta sa paaralan, gastusin sa mga aktibidad sa labas ng paaralan, field trip, at pagkain sa tanghalian, makipag-sangguni sa paaralan o sa Board of Education. Ngunit ang makukuhang pinansiyal na tulong ay naayon sa kondisyon ng kinikita ng pamilya.
Mayroon ding matatanggap ang dayuhang magulang na nagpapa-aral ng anak kahit ang bata ay nag-aaral sa paaralang para sa mga dayuhan. Kung interesado sa ganitong sistema, mangyari lamang makipag-ugnayan sa munisipyong pinagtalaan.
|