日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGK01-1
Ang mga maaring pag-aralan ng wikang Hapon ay nahahati sa dalawa na tinatawag na paaralan ng wikang Hapon o Nihongo gakkou at ang iba pa maliban dito. Kailangang magbayad dito ng matrikula ngunit mayroon ding mga organisasyon nag-aalay ng kurso o klase para sa pag-aaral ng wikang Hapon na abot halaga o libre.

1
Pag-aaral ng wikang Hapon
1-1 Japanese language schools
Kung nais mag-aral ng wikang Hapon bilang isang regular na estudyante kailangang kumuha ng visa at pumasok sa Japan. Upang makakuha ng visa kailangang pumasok sa paaralan ng wikang Hapon na kinikilala ng asosasyon ng pagpopromote ng pag-aaral ng wikang Hapon (Nihongo kyouiku shinkou kyoukai). Sa paghahanap ng paaralan kung saan maaring mag-aral ng wikang Hapon, basehan ang mga Mga Listahan ng Eskwelahan ng Wikang Hapon (nasusulat sa mga wikang Hapon, Ingles, Tsino at Koryano) na makikita sa mga Japanese diplomatic establishments. Kailangang humingi ng impormasyon ukol sa pagpasok sa ninanais na pasukang eskwelahan upang maisagawa ang proseso sa pagpasok. Kapag natapos na ang proseso sa pagpasok sa napiling paaralan, maaring ang paaralan ang mag-aaplay ng visa para sa estudyante.
Ang homepage ng asosasyon ng pagpopromote ng pag-aaral ng wikang Hapon (Nihongo kyouiku shinkou kyoukai) ay http://www.nisshinkyo.org/


CLAIR