日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGL01

1
Buwis
(1) Pamumuhay at buwis
Kahit anong nasyonalidad ay kinakailangang magbayad ng buwis tulad ng mga Hapon kapag sila ay mahigit nang isang taong naninirahan sa Japan at may takdang kinikita. Ating tandaan ang sistema ng pagbubuwis sa Japan.
(2) Mga uri ng buwis
May dalawang uri ng buwis sa Japan: national tax, ang buwis na sinisingil ng bansa (Kokuzei), at local tax, ang buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad (Chihouzei). Isang halimbawa ng buwis na sinisingil ng bansa ay ang shotokuzei (income tax) samantalang ang mga halimbawa ng buwis na sinisingil ng perepaktura at munisipalidad ay ang juuminzei (residence tax), jidoushazei (vehicle tax) at iba pa. Sa loob naman ng bawat isang uri ng dalawang buwis na ito ay may dalawa pang uri depende sa paraan ng pagbayad: ang buwis na binabayarang diretso sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis (tulad ng shotokuzei at juuminzei) at ang buwis na hindi binabayarang diretso sa mga opisinang ito ngunit binabayaran sa lahat ng paggagastos at pamimili (tulad ng shouhizei [consumption tax]).

Buwis na binabayarang diretso Buwis na hindi binabayarang diretso
Buwis na sinisingil ng bansa (kokuzei) income tax, corporation tax, inheritance tax, donation tax, etc. consumption tax, liquor tax, tobacco tax, tariff, stamp duty tax, etc.
Buwis na sinisingil ng rehiyon (chihouzei) Buwis na sinisingil ng perepaktura (todoufukenzei) prefecture tax, business tax, vehicle tax, etc. regional consumption tax, prefectural tobacco tax, golf course use tax, etc.
Buwis na sinisingil ng munisipyo (shichousonzei) municipality tax, property tax, light vehicle tax, etc. municipality tobacco tax, admission tax, etc.


CLAIR