日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGL02-1_2

2
National tax (kokuzei)
(2) Final income tax return (kakutei shinkoku)
● Ano ang tinatawag na final income tax return (kakutei shinkoku)?
Ang lahat ng taong hindi nababawasan ng buwis sa suweldo (tulad ng mga taong may sariling negosyo o nasa agrikultura) ay kinakailangang magbigay-alam ng halaga ng babayarang buwis matapos ito kalkulahin batay sa resulta ng pagkalkula ng kinita sa nakalipas na taong mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre. Ang mga pasahuring manggagawa ay hindi na kinakailangan pang gawin ito. Gayunman, ang mga sumusunod ay kinakailangang magpasa ng final income tax return:
・Kapag ang suweldo sa isang taong ay mahigit ng 20 milyones
・Kapag nakakakuha ng suweldo sa higit na dalawang lugar
Huwag kalimutang magtago ng kopya ng final income tax return dahil ito ay kinakailangan sa pagpapatuloy o pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan.
 * Kapag may dependents sa sariling bansa, maari siyang makakuha ng kaltas para sa mga dependent (deduction for dependents). Kahit na pasahuring manggagawa, basta’t hindi nakakaltasan para sa mga dependent ay kinakailangang magpasa ng final income tax return.
[Para sa iba pang detalye] Hamamatsu City [Kanaru Hamamatsu] URL:
http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamaJa/10_zeikin_01.htm (wikang Hapon)
http://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamapo/10_zeikin_01.htm (wikang Portuges)

● Ang mga kinakailangan sa final income tax return
Mga dokumentong kailangan Saan ipapasa Kailan ipapasa Karagdagang bayad
1 Form ng final income tax return o kakutei shinkoku (nasa tanggapan ng tagapamahala ng buwis)
2 Ang makakapagtunay ng kinita sa nakalipas na taon (tulad ng withholding tax slip o mga resibo ng pagbabayad)
3 Alien registration card
4 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis dahil sa dependents (tulad ng birth certificate ng dependents na nasa sariling bansa o mga resibo ng pagpapadala ng pera)
5 Mga kailangang papeles para sa pagbabawas ng buwis dahil sa pagbayad ng insurance (tulad ng sertipiko ng ibabawas na buwis dahil sa insurance)
6 Pantatak (inkan) o kaya ay pirma
etc.
Tanggapan ng tagapamahala ng buwis Mula ika-16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso ng taong iyon Libre
Form ng final income tax return A (Unang bahagi)
Income tax returns form, A
Mula sa Ahensya ng National Tax
Form ng final income tax return A (Pangalawang bahagi)
Income tax returns form, A
Mula sa Ahensya ng National Tax


CLAIR