日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGL02-1_4

2
National tax (kokuzei)
(4) Pagsasaayos ng babayarang buwis sa katapusan ng taon (nenmatsu chousei)
● Ano ang nenmatsu chousei?
Dahil sa halaga ng suma ng kinita, sa binayarang mga buwis, at iba pa, ang binabawas na buwis sa inyong suweldo buwan-buwan ay isasaayos tuwing katapusan ng taon. Kapag lumabas na kulang ang binayarang buwis, kailangan itong bayaran. Ang magsasagawa ng paglakad nito ay ang pinapasukang kumpanya.
Kung sakaling isinilang ang inyong anak o kaya ay sumapi sa isang insurance pagkatapos ng pagsasaayos ng babayarang buwis sa katapusan ng taon, maari muli itong ayusin hanggang sa ika-31 ng Enero sa sumusunod na taon.

● Ang pagbalik ng binayarang buwis
Maaaring bumalik ang bahagi ng binayarang buwis hanggang sa limang taong nakalipas sa kung sino mang nagpasa ng final income tax return (kakutei shinkoku) sa kasong may isinilang na anak at dumami ang dependents, nagbayad ng malaking halaga sa pagpapagamot, o mababa ang kita dahil nagpa-part-time lamang.


CLAIR