日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGL02-1_1

2
National tax (kokuzei)
Kokuzei ang tawag sa buwis na sinisingil ng bansa. Ang shotokuzei (income tax) at shouhizei (consumption tax) ay mga halimbawa ng buwis na ito.
2-1 Income tax (shotokuzei)
(1) Ano ang tinatawag na income tax (shotokuzei)?
Ito ang buwis na binabayaran batay sa kinita sa loob ng isang taon (mula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre) na kinakailangang ipagbigay-alam sa munisipyo o sa tanggapan ng tagapamahala ng buwis sa susunod na taon mula ika 16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso (Tingnan ang (2) Final income tax return para sa mga detalye). Gayunman, nag-iiba ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga kahit na parehong dayuhan batay kung ang dayuhan ay isang residente o hindi residente.

● Ang itinuturing residente (resident) at hindi residente (non-resident)
Itinuturing residente ang isang dayuhan kung ang kanyang tirahan ay nasa Japan at mahigit na isang taon siyang tuluyang naninirahan dito. Ang pangkat ng paniningil ng buwis at halaga na kinakailangang bayaran ng mga residente ay tulad ng sa mga Japan.
Para naman sa mga hindi residente, ang buwis na kailangang bayaran ay karaniwang 20% ng kinikita.

● Paraan ng pagbayad ng buwis
Para sa mga mangangalakal, kinakailangang sariling kalkulahin ang halaga ng kinita, mga ginastos, halaga ng buwis at iba pa at ipagbigay-alam sa tanggapan ng paniningil ng buwis. Ito ang tinatawag na final income tax return (kakutei shinkoku).
Para naman sa mga pasahuring manggagawa na tumatanggap ng suweldo o bonus mula sa kumpanya, hindi na kinakailangan ng final income tax return dahil kinakaltas na kaagad ito mula sa buwanang suweldo. Ito ang tinatawag na withholding tax (gensen choushuu).


CLAIR