
Ito ang buwis na sinisingil ng perepaktura o munisipalidad. Isang halimbawa nito ay ang buwis na batay sa kinita ng nakalipas na taon na binabayaran sa tinitirahang perepaktura o munisipalidad mula ika-1 ng Enero. Ang isa pang halimbawa ng local tax ay ang buwis ng sasakyan na binabayaran taun-taon sa ika-1 ng Abril ng mga taong may sasakyan.
3-1 Residence tax (juuminzei)
(1) Ano ang tinatawag na residence tax (juuminzei)?
Ito ay binabayaran bilang isang mamamayan ng tinitirhang perepaktura o munisipalidad. Ito ay ibinubuo ng isang takdang halaga ng buwis at bahagi ng income tax.
* Sa 23 na wards (ku) ng Tokyo, ang residence tax ay ibinubuo ng special ward residence tax at metropolitan tax. Sa mga ibang rehiyon, ito ay ibinubuo ng prefectural tax at municipality tax.
(2) Ang pagpapahayag ng residence tax
Kinakailangang magpahayag ng residence tax ang kahit sinong may tirahan sa loob ng mga munisipalidad mula ika-16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso sa nakatatakdang munisipyo. Ngunit ang mga sumusunod ay hindi kailangang magpahayag:
• Mga taong walang suweldo o pensyon na nakuha ng nakaraang taon
• Mga taong nagpahayag ng income tax
• Mga taong hindi kailangang magpahayag ayon sa batas
(3) Paraan ng pagbayad ng residence tax (Ang tokubetsu choushuu at futsuu choushuu)
May dalawang paraan upang magbayad ng residence tax: ang tinatawag na tokubetsu choushuu at futsuu choushuu.
| Tokubetsu choushuu |
Ito ay isang paraan ng pagbabayad kung saan kikakaltas mula sa buwanang suweldo sa pinapasukang kumpanya ang residence tax. Ito ay nababayaran sa ika-10 ng sumusunod na buwan. |
| Futsuu choushuu |
Ito naman ay ang binabayaran ng mga may sariling negosyo, nasa agrikultura, at iba pa. Makakatanggap ng paalala mula sa takdang munisipyo at apat na beses sa isang taon ito binabayaran. Maaari itong bayaran sa kahit anong bangko o post office na malapit. Maari din itong ipakaltas nang kusa mula sa bank account. |
|