
|
Buwis para sa mga sasakyan |
|
4-1 Buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan
Ang buwis para sa mga pangkaraniwang sasakyan ay buwis na sinisingil taun-taon ng ika-1 ng Abril sa mga taong may sasakyan. Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko, post office, at iba pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.
4-2 Buwis para sa mga maliliit na sasakyan (keijidousha)
Ito ay buwis na kailangang bayaran taun-taon ng ika-1 ng Abril ng mga taong nagmamay-ari ng maliliit na sasakyan. Ipapadala ng munisipyo ang papel para sa pagbabayad ng buwis. Bayaran lamang ito sa bangko, post office, at iba pa hanggang sa nakatakdang araw na nakasulat.
4-3 Mga iba pang buwis
Maliban sa buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan na bahagi ng local tax, mayroon ding tinatawag na jidousha juuryouzei na bahagi naman ng national tax.
4-4 Paraan ng pagrehistro
Ang buwis para sa pangkaraniwan at maliliit na sasakyan ay kailangang bayaran ng kahit sinong nagmamay-ari ng sasakyan simula sa ika-1 ng Abril. Kapag ibinigay o ibinenta ang sasakyan sa ibang tao, kapag hindi na gagamitin ang sasakyan, o kapag nanakawan ng sasakyan, kinakailangang iparehistro ito sa nakatatakdang opisina. Kapag hindi ito ginawa, habang buhay na magbabayad ng buwis para sa sasakyan.
Mga uri ng sasakyan at mga naaayong buwis
Mula sa Tax Bureau ng Tokyo
|