日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGL05

5
Patunay ng binayarang buwis (nouzei shoumeisho) at Patunay ng kita (shotoku shoumeisho)
Kinakailangan ang dokumentong makakapagpatunay ng inyong kinita at binayarang buwis sa mga sumusunod na okasyon: pagpapatuloy o pagbabago ng pahintulot na manirahan sa Japan, pagpasok ng anak sa day-care center, paghanap o pag-aplay na makakuha ng public housing, at iba pa. Kapag kailangan ng mga dokumentong ito, pumunta lamang sa munisipyo ng tinitirahang lugar simula ng ika-1 ng Enero sa taong iyon.
Maaari ding magamit ang kopya ng final income tax return (2-1(2)) para sa mga detalye) o sertipiko para sa withholding tax (2-1(3)) para sa mga detalye) upang magpatunay ng kinita.

5-1 Paraan upang maiwasan ang dobleng pagbabayad ng buwis
Maraming kasong ginagamit ang kinita sa Japan upang magtayo ng negosyo o bumili ng lupa sa sariling bansa ngunit posibleng maningil din ng buwis ang sariling bayan (dobleng pagbabayad ng buwis). Upang maiwasan ito, may treaty na ginawa ang Japan at iba’t ibang bansa (tingnan ang susunod na table). Kailangan lang may magpapatunay ng pagbayad ng buwis sa Japan at hindi na kailangan magbayad pa ulit ng buwis sa sariling bansa.
● Mga bansang kasali sa treaty upang maiwasan ang dobleng pagbayad ng buwis (Nuong Enero, 2004)

Numero Pangalan ng bansa Numero Pangalan ng bansa Numero Pangalan ng bansa
1 Ireland 16 Singapore 31 Bangladesh
2 U.S.A. 17 Switzerland 32 Fiji
3 Israel 18 Sweden 33 Philippines
4 Italy 19 Spain 34 Finland
5 India 20 Sri Lanka 35 Brazil
6 Indonesia 21 Thailand 36 France
7 England 22 China 37 Bulgaria
8 Vietnam 23 Czechoslovakia (1) 38 Belgium
9 Egypt 24 Denmark 39 Poland
10 Australia 25 Germany 40 Malaysia
11 Austria 26 Turkey 41 South Africa
12 Netherlands 27 New Zealand 42 Mexico
13 Canada 28 Norway 43 Romania
14 South Korea 29 Pakistan 44 Luxemburg
15 Zambia 30 Hungary 45 Russia (2)
 (1) Ngayon, ang Czech Republic at Slovakia ay patuloy na sumasali dito.
 (2) Ngayon, ang Russia, Kirgistan, Gruziya, Tadzhikistan, Uzbekistan, Turkmenistan, Ukraine, Armenia, Belarus, Moldova ay patuloy na sumasali dito.
Source: National Tax Agency


CLAIR