Mayroong tatlong uri ng pabahay sa Japan: ang sariling bahay, pampublikong pabahay at pribadong pabahay. Ang mga sumusunod ay magpapaliwanag ng mga detalye ukol sa mga ito (tulad ng pagkakaayos ng bahay, ibig sabihin ng mga marka sa pagkakaayos ng bahay, mga samahan sa mga komunidad, at iba pa).

1-1 Pabahay sa Japan
(1) Sariling bahay
Maraming mga proseso at kontrata na kinakailangan upang magkaroon ng sariling bahay sa Japan. Ang sariling bahay ay maaaring solong bahay lamang o pasadyang bahay sa iisang gusali na kung tawagin ay mansion (condominium). Kapag magpapatayo naman ng bahay ay kailangang sumunod sa mga patakaran. Basahin ang 2 SARILING BAHAYpara sa mga detalye.
(2) Pampublikong pabahay
Ito ay pabahay na may murang upa na inaalay ng mga perepaktura, munisipalidad o mga rehiyonal na grupo at publikong kumpanya para sa mga taong namomroblema sa pabahay. May mga kuwalipikasyon upang makapag-upa nito at ang mga nakapasa lamang sa kuwalipikasyon ang maaaring makapag-upa. Basahin ang 3 PAMPUBLIKONG PABAHAY para sa mga detalye.
(3) Pribadong pabahay
Ang pribadong pabahay ay mga apartment o condominium na kinakailangan ng upa. Ang upa ay binabayaran buwan-buwan at ang upa para sa isang buwan ay binabayaran sa nakaraang buwan. Hindi lang upa ang kailangan bayaran kung hindi pati rin ang mga bayad sa pananatili o pag-aasikaso ng mga panglahatang serbisyo. Basahin ang 4 PAG-UPA SA PRIBADONG PABAHAY para sa mga detalye.
(4) Ang laki at pagkakaayos ng bahay
Ang laki ng isang bahay (hindi lang ang kuwarto at pati na rin ang liguan, banyo, kusina at iba pa) ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng “area of possession ○ m 2 (square meters)”. Ang laki ng kuwarto ay kadalasang ipinapahiwatig sa pamamagitan ng bilang ng tatami. Ang sukat ng isang tatami ay mga 180 cm × 90 cm (mga 1.6 m 2) subali’t depende sa bahay, may mga 170 cm × 85 cm o mga 176 cm × 88 cm ang sukat ng isang tatami.
Ang bilang ng mga kuwarto at kung anong uri ng kuwartong ito ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng paggamit ng numero at titik. Kapag tatami ang sahig ng kuwarto, ito ay tinatawag na washitsu (Japanese room). Kapag kahoy naman ang sahig ng kuwarto, ito ay tinatawag na youshitsu (western room).
[Mga halimbawa]
2LDK: Mayroong dalawang hiwalay na kuwarto at salas, kainan at kusina na magkakasama
2: bilang ng kuwarto
L: salas
D: kainan
LDK: salas, kainan at kusina na magkakasama
DK: kainan at kusa na magkasama
 (5) Ang paglarawan ng palapag sa ibabaw at ilalim ng lupa
Ang unang palapag ay isinusulat nang 1F at ang ilalim ng unang palapag ay isinusulat nang B1 sa Japan.
1F - 5F: mula sa unang palapag hanggang sa ika-limang palapag
B2: dalawang palapag sa ilalim ng unang palapag
(6) Samahan ng mga kapitbahay (chounaikai) at Kapisanan para sa kasarinlan ng magkakapit-bahay (jichikai)
May mga samahan at kapisanan ng mga magkakapit-bahay sa kahit saang munisipalidad sa Japan. Sa pamamagitan ng mga chounaikai at jichikai, nahahatid ang mga balita mula sa munisipyo sa pagpapaikot ng patalastas na tinawag na kairanban, nasasagawa ang mga hakbang upang mapuksa ang krimen at makapaghanda sa sakuna, at iba pa. Ito ay napopondohan mula sa mga bayad ng mga kasapi. Maaari ring sumali ang mga dayuhan dito. Magtanong lang sa mga kapit-bahay ukol dito.
|