
Sa mga sumusunod na bahagi ay ipapaliwanag kung paano bumili ng sariling bahay at magpatayo ng sariling bahay.
2-1 Ang proseso at paraan upang makakuha ng sariling bahay
Pumunta sa fudousanya (tagapamagitan sa paghahanap ng bahay) kapag nais bumili ng sariling bahay. Pumili ng ninanais na lugar o bahay at kung napagdesisyunan nang bumili ay intindihing maigi ang mga importanteng bagay na kinakailangang malaman sa pagbili ng bahay na ipapaliwanag ng fudousanya. Pumirma ng kontrata o kasunduan ng pagbili ng bahay at bayaran ang deposito. Kadalasan ay nag-aaplay para sa housing loan. Pagkatapos nito ay kailangang sundin ang proseso ng paglipat ng titulo ng lupa o bahay sa sariling pangalan at mga iba pang proseso sa property tax. Kadalasan ay ang fudousanya na ang mga lumalakad sa mga kinakailangang gawin kaya tanungin lamang sila ukol dito.
2-2 Mga paalala kapag magpapatayo ng bahay
Kapag magpapatayo ng bahay o gusali sa Japan, kinakailangan sumunod sa mga patakarang nakasulat sa “Kenchiku Kijunhou (isang batas tungkol sa pagpapatayo ng bahay o gusali)”. Mayroong mga iba’t ibang patakaran ukol sa laki at taas ng ipapatayong bahay o gusali ayon sa lupa kaya kinakailangan ng permiso mula sa munisipyo ng pook kung saan magpapatayo. Para sa mga detalye, sumangguni lamang sa munisipyo at magsama ng taong nakakaintindi ng wikang Hapon.
|