日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGM04-1

4
Pag-upa ng pribadong pabahay
Pumunta sa fudousanya kung nais umupa sa mga pribadong pabahay. Importanteng isipin nang maigi ang mga kondisyon sa nais upahang tirahan bago pumunta. Kadalasang kailangang magbayad ng halagang katumbas ng 5-6 na buwang upa para makapirma ng kontrata o kasunduan.
4-1 Paraan ng paghahanap at pag-uupa ng bahay (o kuwarto)
(1) Paraan ng paghahanap
Pumunta sa fudousanya kung saan nais umupa ng bahay. Sabihin lamang ang nais na halaga ng upa, laki, o layo mula sa estasyon at hahanap sila ng bahay na naaayon sa mga kondisyon na hinihiling.
Maaaring tingnan muna ang mga patalastas ng mga pabahay na nakalagay sa fudousanya. Maari din namang maghanap muna sa pamamagitan ng mga magasin o internet. Para sa mga estudyanteng dayuhan, maaaring magtanong sa unibersidad ukol dito.
(2) Paraan ng pag-uupa
Kailangang magbuo ng kontrata o kasunduan upang makapag-upa ng bahay. Ito ay karaniwang hanggang 2 taon.
Ang mga sumusunod ay ang mga dokumentong kailangang upang makapirma ng kontrata o kasunduan.
Mga kinakailangang dokumento sa oras ng pagbuo ng kontrata o kasunduan Perang kailangan sa oras ng pagbuo ng kontrata o kasunduan
1 Alien registration card
2 Dokumento nagpapatunay ng kinikita
3 Rentaihoshounin (Basahin ang 7 TERMINOLOHIYA) o kontrata
4 Dokumentong nagpapatunay sa pagrehistro ng inkan o pantatak
1 Upa para sa buwang ito at sa susunod pang buwan
2 Shikikin (Basahin ang 7 TERMINOLOHIYA)
3 Reikin (Basahin ang 7 TERMINOLOHIYA)
4 Chuukairyou (Basahin ang 7 TERMINOLOHIYA) at iba pa
Pagsinuma ang lahat ng ito, tumutumbas sa 5-6 na buwan ng upa ang kinakailangan.


CLAIR