日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGM04-2

4
Pag-upa ng pribadong pabahay
4-2 Kapag mag-uupa ng bahay
(1) Ang proseso sa pag-uupa ng bahay
Process of renting housing
Process of renting housing
(2) Mga paalala kapag uupa ng bahay
●Transportasyon
Ang paraan upang makarating sa tirahang balak upahan ay kadalasang paglakad kung saan 80 metro sa 1 minuto ang pagkalkula. Ito ay isinasaad bilang “○minuto mula sa estasyon.” Itong paglalakad ng 80 metro sa 1 minuto ay kung ang bilis ay 4.8 kilometro at hindi dito kasama ang mga hagdan, paghihintay ng stoplight at iba pa. Mabuting subukan maglakad mula sa estasyon hanggang sa bahay kung nais itong tuluyang upahan.
●Pag-aalaga ng mga hayop
Pag-aalaga ng mg hayop
Maraming mga may-ari ng bahay na hindi gustong mag-alaga ng mga hayop ang mga mangungupa kaya kailangang tanungin muna ang tungkol dito sa fudousanya bago bumuo ng kontrata o kasunduan.

●Pagrerenobasyon ng bahay
Ipinagbabawal ang pagrerenobasyon ng bahay o pagpapatira ng mga tao maliban sa sariling pamilya nang walang permiso mula sa may-ari ng bahay. Ipinagbabawal ding ipaupa ang bahay sa ibang tao.
Pagpapako o pagpipintura
Pagpapaupa ng bahay sa ibang tao
●Mga mayroon at wala sa loob ng bahay
Mayroong mga gamit na kinakailangang ihanda ng mangungupa at mayroon din namang mga nasa bahay na. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa nito.
・ Mayroon sa bahay: pasilidad para sa kuryente, gas, tubig
・ Wala sa bahay: ilaw, gas stove, oven, gamit-bahay at iba pa. Sariling ihanda ang
           mga kailangan.
(3) Payo tungkol sa pag-uupa
May mga pagkakataong nagkakaproblema sa pag-uupa ng bahay. Ang mga sumusunot ay ilang mga payo kapag nagkaraoon ng problema. Maaari ding subukang sumangguni sa mga asosasyon ng internasyonal na pakikipagpalitan (international exchang association) sa kani-kanilang purok.
・Hindi makapagsalita ng wikang Hapon: Iminumungkahi na magsama ng taong marunong umintindi at magsalita ng wikang Hapon. Kahit na simpleng pagbati lamang ang nalalaman, subukang magsalit ng wikang Hapon dahil ito ay makakapagbigay ng magandang impresyon.
・Hindi nagpapaupa sa mga dayuhan: Mas nakabubuting maghanap ng fudousanya na nagpapaupa sa mga dayuhan sa pamamagitan ng internet o pakilala ng kaibigan.
・Walang makuhang tagasiguro o taga-garantiya: Maaaring humingi ng tulong mula sa mga kumpanya na ang kalakal ay tumayong tagasiguro. Magtanong lamang tungkol dito sa fudousanya.


CLAIR