Sa kontrata nakasaad ang mga karapatan at obligasyon ng taong uupa at ng nag-papaupa o may-ari ng bahay. Ang oras ng pagpirma ng kontrata ay nagpapatunay na kayo ay umaayon sa mga nakasaad sa kontrata at kailangan itong sundin. Kinakailangang intindihing mabuti ang mga naksaad sa kontrata bago ito pirmahan. Ang mga sumusunog ay mga puntong kailangang tiyakin sa pagbubuo ng kontrata. Tandaan ang mga ito upang maiwasan ang problema.
| Upa ng bahay, Bayad sa pananatili sa panglahatang serbisyo |
Halaga ng upa, araw kung kailan dapat bayaran, paraan ng pagbabayad |
| Mga pinagbabawalan |
Pag-aalaga ng hayop at iba pang pinagbabawalan sa uupahan bahay |
| Pagpapatuloy ng kontrata |
Ang bisa ng kontrata ay pangkaraniwang dalawang taon. May mga pagkakataong kinakailangang magbayad upang magpatuloy ng kontrata. May mga pagkakataon ding ito ay kailangang bayaran sa fudousanya. |
| Mga kondisyon sa oras ng pagtapos ng kontrata |
May mga kasong hindi bumabalik ang shikikin o kailangang bayaran ang pagpapalinis ng bahay sa oras ng pagtatapos ng kontrata.Siguraduhing malinaw at naiintindihan ang mga kailangang bayaran sa oras ng pagtatapos ng kontrata bago bumuo nito. |