日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGM05-2

5
Paglipat sa isang bahay
5-2 Mga patakaran sa inyong tinitirhang lugar
(1) Ang pagtapon ng basura
Ang paraan ng pagtapon ng basura ay naiiba depende sa distritong tinitirhan. Iba-iba rin ang mga uri ng basura at ang oras at araw kung kailan maaari itong itapon batay sa uri nito. May bayad ang pagtatapon ng mga malalaking basura at mayroon ding mga hindi tinatanggap kaya’t kailangan magtanong sa fudousanya, mga kapit-bahay o munisipyo ukol dito. Binigyan ng importansya ang pag-rerecycle at ang pagbabawas ng basura sa Japan. (Basahin ang O Mga iba pang bagay tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay 2-2 Tuntunin at kaugalian sa pamumuhay: Basura para sa mga detalye.)
[Ang mga kailangang tiyakin]
- Paghihiwalay ng basurang nasusunog at hindi nasusunog.
- Paghihiwalay ng basurang maaaring magamit muli (shigen gomi) tulad ng bote, lata, boteng plastik, dyaryo at iba pa.
- Lugar kung saan maaaring magtapon ng basura
- Oras at araw ng pagtatapon ng basura ayon sa uri nito
- Pagtatapon ng malalaking basura
- Mga takdang lalagyan/plastik ng basura
at iba pa
[Halimbawa ng paghihiwalay]
Example of garbage separation
[Tala] Paghihiwalay ng basura
- Mayroong iba’t ibang paraan ng pagtawag sa basura depende sa distrito tulad ng “kanen gomi (basurang nasusunog) at funen gomi (basurang hindi nasusunog),” “moeru gomi (basurang nasusunog) at moenai gomi (basurang hindi nasusunog),” “moyaseru gomi (basurang nasusunog) at moyasenai gomi (basurang hindi nasusunog).”
- Dating itinuturing na “funen gomi (basurang hindi nasusunog)” ang mga basurang naglalabas ng nakalalasong gas kapag sinunog o mga basurang umiinit ng husto kapag sinunog na nasisira ang makinang nagsusunog. Ngayon, iba’t iba ang paraan ng paghihiwalay ng mga basura depende sa distrito kaya’t alamin ito nang mabuti.
- Mayroong mga basurang nasusunog subalit ayon sa mga distrito ay itinuturing na basurang hindi nasusunog.
- Ukol sa mga uri ng basura, ito ay hindi base sa kung ito ay nasusunog o hindi. Ito ay base sa mga tunturan sa tinitirahang distrito.

(2) Ang paggamit ng kusina
Panatiliing malinis at maayos ang kusina. Huwag magtapon ng basura o mantika sa agusan ng lababo dahil ito ang nagiging sanhi ng pagbabara at ito rin ang nagiging sanhi ng polusyon sa ilog at dagat. Gumamit ng dyaryo sa pagtatapon ng mantika upang masipsip ito at itapon kasama ng mga basurang nasusunog.
(3) Paalala tungkol sa pag-iingay
Iwasan ang pag-iingay lalo na mula gabi hanggang umaga dahil ito ang nagiging sanhi ng problema sa inyong pakikitungo sa mga kapit-bahay. May mga pagkakataong nagdudulot ng problema ang ingay mula sa telebisyon o CD player, instrumentong pang-musika, makinang panlaba o vacuum cleaner, tubig mula sa paliguan, pagbukas at pagsara ng pintuan at pag-uusap nang may malakas na boses. Mag-iingat lagi sa pag-iingay.
Ang mga maaaring maging pagmulan ng ingay
ingay mula sa telebisyon, CD player, radyo makinang panlaba o vacuum cleaner
pag-uusap nang may malakas
na boses
pagbukas at pagsara ng pintuan
(4) Paggamit ng paliguan at banyo
Kung ang agusan ng tubig sa paliguan o banyo ay nagbara, ang tubig ay aapaw at ito ay magbibigay ng malaking problema. Kung sakaling nabara at umapaw ang tubig at ito ay tumagas sa ibabang kuwarto, ito ay kinakailangang bayaran. Huwag bayaang umagos ang buhok sa agusan ng paliguan at huwag magtapon ng ibang bagay sa banyo bukod sa toilet paper.
toilet paper
tissue paper
Aapaw ang tubig kapag ang
agusan ay nagbara.
Huwag magtapon ng ibang bagay sa banyo bukod sa toilet paper.
(5) Paggamit ng veranda o balkonahe
Kung ang veranda o balkonahe ay ginagamit na lagusan para sa oras ng sakuna, tiyaking walang mga bagay na makakasagabal dito. Iwasan ding maglagay ng mga gamit na sumasagabal sa namamagitang pader sa inyong veranda at ang veranda ng inyong kapit-bahay.
Sa pagbibilad ng mga kumot o kaya ay paglalagay ng mga halaman sa veranda o balkonahe, ingatang huwag mahulog ang mga ito.
Ingatang huwag mahulog ang mga binibilad na kumot o mga halaman na nakalagay sa veranda o balkonahe.
(6) Paggamit ng mga bahagi ng lugar na ginagamit ng lahat ng naninirahan
Ang mga hagdan at pasilyo o daanan ay pangkaraniwang lugar na ginagamit ng lahat ng naninirahan. Sa oras ng lindol o sunog, ito ay nagsisilbing lagusan kaya huwag maglagay ng mga gamit dito.
(7) Paggamit ng paradahan ng bisikleta at kotse
Iparada ang mga kotse o bisikleta sa naaayong paradahan para dito.
Kinakailangan ng takdang paradahan ang mga kotse at hindi ito maaaring iparada sa kalsada. May bayad ang takdang paradahan at binabayaran ito buwan-buwan. Kahit na walang nakaparada, iwasang pumarada sa lugar na hindi nakatakda para sa inyo.


CLAIR