
|
Paglipat ng tirahan at pag-alis sa tinitirhan |
|
Ipagbigay-alam sa may-ari ng bahay ang araw ng paglipat kapag napagdesisyunan nang lumipat ng tirahan o umalis sa tinitirhan. Pangkaraniwang mga propesyonal na tagapaglipat ang tinatawagan upang lumipat. Huwag kalimutang itigil ang kuryente, gas at tubig at siguraduhing malinis ang bahay bago lumipat. Huwag ding mag-iwan ng basura sa bahay.
6-1 Paghanda para sa paglipat
(1) Magbigay-alam sa may-ari ng bahay
Kailangan ipagbigay-alam sa may-ari ng bahay ng mga isa o dalawang buwan bago ang araw na nais itigil ang kontrata.
(2) Pagsaliksik ng paraan ng paglipat
Maraming mga propesyonal na tagapaglipat ng mga kasangkapan sa Japan. Bukod dito, nag-aalay din ng serbisyong paglilipat ang mga propesyonal na tagahakot o tagabuhat ng mga kasangkapan. Ang presyo ay naiiba depende sa dami ng kasangkapan at layo ng lilipatan. Depende din ito sa serbisyo (may mga serbisyo na nagmumula sa pageempake ng mga kagamitan hanggang sa pag-aayos nito sa oras ng paglipat) na mayroon kaya mabuting magtanong sa iba’t ibang kumpanya at pumili ng ninanais na serbisyo. Maaari ding magkumpara ng mga presyo sa pamamagitan ng internet.
Maaari ding humiram lamang ng sasakyan sa mga kaibigan at sariling maghakot at maglipat.
(3) Pagpatigil ng kuryente, gas at tubig
Ipagbigay-alam sa mga kumpanya ng kuryente, gas at tubig kung kailan nais ipapahinto ang serbisyo.
| |
KURYENTE |
GAS |
TUBIG |
| Kailan? |
2-3 araw bago maglipat |
2-3 araw bago maglipat |
2-3 araw bago maglipat |
| Saan dapat magbigay-alam? |
Magbigay-alam sa kumpanya ng kuryente na malapit sa tinitirhan. |
Magbigay-alam sa kumpanya ng gas na malapit sa tinitirhan. |
Magbigay-alam sa tagapamahala ng serbisyong tubig sa munisipyong nasa distritong tinitirhan. |
| Anong dapat gawin? |
May darating na empleyado ng kumpanya ng kuryete upang itigil ang kuryente at upang singilin ang bayad sa kuryente hanggang sa araw na iyon. |
May darating na empleyado ng kumpanya ng gas upang itigil ang gas at upang singilin ang bayad sa gas hanggang sa araw na iyon. |
May darating na tao upang itigil ang tubig at upang singilin ang bayad sa tubig hanggang sa araw na iyon. |
|