日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGM06-2

6
Paglipat ng tirahan at pag-alis sa tinitirhan
6-2 Paglipat-bahay
(1) Paghakot ng mga gamit
Huwag mag-iiwan ng kahit anong kasangkapan sa bahay at linisin itong mabuti. Bawal mag-iwan ng basura dito.
(2) Malalaking basura (sodai gomi)
Tiyakin ang paraan ng pagtatapon ng mga malalaking basura (tulad ng mga kasangkapan sa bahay) at pagtatapon ng maraming basura sa munisipyong malapit sa tinitirhan.
(3) Pagbalik ng susi sa bahay
Ibalik ang susi sa bahay at tiyakin kung magkano ang shikikin. Kailangan ding ibalik ang bahay sa dati nitong ayos ayon sa nakasaad sa kontrata. Ang pagbalik ng bahay sa dati nitong ayos ay titiyakin ng fudousanya o ng may-ari ng bahay.
* Ang pagbabalik ng bahay sa dati nitong ayos sa oras ng paglipat ay naiiba depende sa nilalaman ng kontrata, sa fudousanya. Maaari itong maging sanhi ng problema kaya’t tiyakin nang maigi ang ukol dito sa oras ng pagpirma ng kontrata at siguraduhin ding tiyaking ang ayos ng bahay sa oras ng paglipat. May pagkakataong mainam na kumuha ng larawan ng bahay pagkalipat. Ang perang aabutin upang maibalik ang bahay sa dati nitong ayos ay babawasan sa shikikin at ibabalik ito sa inyo sa oras ng paglipat.
(4) Pagpalit ng address
Huwag kalimutang isagawa ang mga sumusunod sa oras ng paglipat.

Mga proseso ng paglilipat-bahay
  Mga paraan o proseso
Pagpalit ng tirahan o adres sa Alien Registration Card Kailangang palitan ang nakarehistrong tirahan o adres sa bagong tirahan o adres na nilipatan sa loob ng 14 na araw pagkatapos lumipat. Dalhin ang Alien Registration Card at kontrata sa pag-uupa ng bahay (na nagsisilbing sertipiko na nagpapatunay ng tirahan)sa munisipyong malapit sa bagong tirahan.
National Health Insurance o National Pension Magpasa ng pormang tinatawag na "sikaku sousitsu todoke" sa munisipyo kung saan dating naninirahan. Pagkatapos ng pagpapalit ng tirahan o adres sa Alien Registraton Card sa munisipo ng bagong nilipatan, mag-aplay muli sa pagsali sa National Health Insurance o sa National Pension.
Lisensya sa pagmamaneho Pumunta sa himpilan ng pulis sa nilipatang distrito upang iparehistro ang bagong tirahan o adres.
Telepono Ipaalam sa kumpanya ng telepono o cellphone ang bagong tirahan o adres. Sa mga may telepono ng NTT, tumawag lamang sa 116 at ipalipat ang telepono sa bagong tirahan.
Mga institusyong pinansyal Ipaalam ang pagpalit ng tirahan o adres. Magtanong lamang sa bangkong ginagamit para sa iba pang detalye.
Koreo (Post Office) Kumpletuhin lamang ang postcard na nagpapaalam ng paglilipat (tenkyo todoke) sa malapit na tanggapan ng koreo o post office. Maaaring ipadala sa bagong tirahan ang lahat ng anumang bagay na darating sa lumang tirahan sa loob ng isang taon.
* Mayroong dalawang terminolohiyang ginagamit sa pagtutukoy ng paglilipat. Ang “tenkyo” ay ang paglipat ng tirahan sa loob ng parehong munisipalidad o lungsod. Ang “tenshutsu” naman ay ang paglipat ng tirahan sa ibang munisipalidad o lungsod.


CLAIR