
|
Pagpapaliwanag ng mga terminolohiya tungkol sa pabahay |
|
Tagapamagitan sa paghahanap ng bahay ( Fudousanya )
Ito ang ahenteng nagsisilbing tulay sa pag-aasikaso ng mga transaksyon gaya ng pag-bili, pagbenta at pag-upa ng bahay sa pagitan ng may-ari at mangungupahan.
Ito ang upa sa bahay na binabayaran bawa’t buwan. Ang upa ng isang buwan ay kadalasang binabayaran sa nakaraang buwan kaya kapag lumipat ng isang bahay, ang halagang kinakailangan bayaran ay katumbas ng 2 buwang upa. Ito ay karaniwang ipinapakaltas nang kusa mula sa bank account subalit may mga kaso ring kailangan bayaran ito sa pamamagitan ng pagtransfer ng pera sa bangko.
Management fees/ common area fees ( Kanrihi at kyouekihi )
Ito ang bayad sa pananatili o pag-aasikaso ng mga panglahatang serbisyo, tulad ng gastos sa paglilinis at kuryente sa mga hagdanan at mga pasilyo sa tinitirhang gusali. Hiwalay itong binabayaran sa upa.
Ito ang perang ibinabayad sa may-ari ng inuupahan bahay na katumbas ng 1-3 buwan na upa. Ito ay para sa pagpapaayos ng mga nasirang bahagi ng inupahang bahay pagkalipat o para sa oras na lumipat ng ibang tirahan nang hindi nakapagbayad ng upa. Maaari itong bumalik kapag may sobra.
Ito ang perang ibinabayad sa may-ari ng inuupahang bahay bilang regalo kapag pumirma ng kontrata o kasunduhan ng pag-uupa. Ito ay kadalasang katumbas ng 1-2 buwan na upa at hindi nababawi pang muli.
Bayad para sa ahente ( Chuukai tesuuryou )
Ito ang komisyon na ibinabayad sa ahente. Kadalasan ito ay kasing halaga ng 1 buwan na upa.
Non-life insurance premiums ( Songai hokenryou )
Ito ang insurance na kailangang sapian sa oras ng pagpirma ng kontrata o kasunduan sa pag-upa ng bahay. Ang ibang uri ng insurance ay sumasakop ng sira ng gripo, sunog, at iba pa.
Bayad para sa pagpapatuloy ng kontrata ( Keiyaku koushinryou )
Ito ang binabayad sa may-ari ng bahay kapag ipinagpatuloy ang kontrata ng pag-upa na pangkaraniwan ay hanggang 2 taon. May mga pagkakataon na ang halaga nito ay halaga ng isang buwang upa ng tinitirhan.
Kasamang garantor ( Rentai hoshounin )
Ito ang tagasiguro o taga-garantiya ng tagapag-upa. Ang nangungupahan ay kailangang magkaroon ng tao na siyang sasagot o aako sa responsibilidad ng pagbabayad ng upa kung sakaling hindi ito mabayaran ng nangungupa. Kung walang tagasiguro, maaaring magtanong sa mga kompanyang ang kalakal ay tumayong tagasiguro tungkol dito.
Asosasyon ng mga magkakapit-bahay ( Chounaikai / Jichikai )
Ang bawa’t komunidad sa Japan ay may mga samahan ng mga magkakapit-bahay (chounaikai) at mga kapisanan para sa kasarinlan ng magkakapit-bahay (jichikai). Sa pamamagitan ng mga ito, nahahatid ang mga balita mula sa munisipyo sa pagpapaikot ng patalastas na tinawag na kairanban, nasasagawa ang mga hakbang upang mapuksa ang krimen at makapaghanda sa sakuna, at iba pa. Ito ay napopondohan mula sa mga bayad ng mga kasapi na maaaring umabot ng 300 yen bawa’t buwan.
Kasama sa bahay ( Doukyosha ) (Taong magkasamang naninirahan)
Kailangang ipaalam sa may-ari ng bahay sa oras ng pagpirma ng kontrata o kasunduan kung may makikitira kasama ng mangungupa. Maaaring maging sanhi ng pagpapaalis kapag may pinatira na hindi alam ng may-ari.
|