Ipapakilala dito ang mga kailangang isaulo kung magmamaneho ng kotse, motor at bisikleta tulad ng nauukol sa lisensya, rehistrasyon, mga batas trapiko at aksidente.

|
Lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan (driver’s license) |
|
1-1 Pagmamaneho ng sasakyan sa Japan
Kailangan ng lisensya kung magmamaneho sa Japan ng sasakyan o motorsiklo.
Kailangan din dala-dala ang lisensya tuwing nagmamaneho. Ang mga lisensyang kinikilala sa Japan ay ang mga sumusunod.
●Ang mga lisensyang puwede sa Japan
| ・Ang lisensyang natanggap sa Japan |
| ・Internasyonal na lisensya na ipinagkaloob ng bansang kasali sa Geneva Convention |
| ・Dayuhang lisensya (lisensya sa Germany, Switzerland at France) |
|