(1) Pagpapalit mula sa lisensya na ipinagkaloob sa sariling bansa sa lisensya ng Japan
Maaring ipapalitan ang lisensyang ipinagkaoob sa sariling bansa kung ang lisensyang ito ay may bisa pa at kung mapapatunayan na may tatlong buwan ng nakalipas mula sa araw na ito ay natanggap. Upang maisagawa ang proseso ng pagpapalit ng lisensya sa lisensya sa Japan, kailangang pumunta sa Driver’s License Center o sa Driving Test Center sa tinitirhang perepaktura at kumuha ng pagsusulit (pagsusulit sa kaalaman ukol sa mga patakarang pangtrapiko, at pagsusulit sa kakayahan sa pagmamaneho).
(2) Proseso ng pagpapalit mula sa lisensya na ipinagkaloob sa sariling bansa sa lisensya ng Japan
※ Kailangan ng tagapagsalin ng mga hindi nakakabasa at nakakapagsalita ng wikang Hapon.
※ Ang mga lisensya mula sa bansang France, Germany, Switzerland, Italy, Belgium, Netherlands, Luxembourg, England, Denmark, Ireland, Greece, Spain, Portugal, Sweden, Norway, Iceland, Finland, Austria, Australia, New Zealand, South Korea at Canada (mula Marso ng 2005) ay hindi kinakailangang dumaan sa ika-3 at 4 na proseso.