
|
Lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan (driver’s license) |
|
1-4 Upang makakuha ng lisensya sa Japan
(1) Mga kinakailangan sa pagkuha ng lisensya sa Japan
Ang lahat ay obligadong kumuha ng mga sumusunod na pagsusuri o pagsusulit. May mga pagsusulit sa wikang Ingles kaya mangyari lamang na magtanong tungkol dito.
●Mga kukuning pagsusulit o pagsusuri
| Pagsusuri kung naaangkop magmaneho |
Pag-eksamen ng mata atbp. |
| Eksamen |
Pagsusulit ng kaalaman ukol sa mga patakarang pang-trapiko (karaniwang nasa wikang Hapon) |
| Pagsusulit ng kakayahan |
Pagsusulit sa pagmamaneho (isinasagawa sa wikang Hapon) |
(2) Pagpasok sa isang driving school (jidousha kyoushuujo)
Sa Japan ang pag-aaral tungkol sa batas trapiko at ang pag-aaral kung papaano magmaneho ay isinasagawa sa mga driving school na kung tawaging jidousha kyoushuujo. Ang kinakailangang bayaran sa pangkaraniwang lisensya ay umaabot 300,000yen. Ang tagal ng pag-aaral ay iba-iba batay sa driving school kaya makipag-ugnayan tungkol dito sa mga driving schools. Kapag nakapagtapos sa nakatakdang driving school ay hindi na kinakailangang kumuha ng pagsusulit sa pagmamaneho at kapag nakapasa sa eksamen na ibinibigay ng Komisyon ng Public Safety tungkol sa batas at patakarang pantrapiko at sa pagsusuri kung naangkop magmaneho ay pagkakalooban ng lisensyang pangmaneho. Ang klase at pagsusulit sa driving school ay isinasagawa sa wikang Hapon.
|