日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGN01-5

1
Lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan (driver’s license)
1-5 Tagal ng bisa ng lisensya at pagbabago ng tirahan
(1) Tagal ng bisa ng lisensya at pagkawalang-bisa nito
Ang lisensya ay may bisa mula sa araw ng pagkakaloob hanggang sa ika-isang buwan makalipas ang ika-tatlong kaarawan. Ang lisensya ay inire-renew tuwing ika-tatlo o ika-limang taon at ang tuluyang pagmamay-ari ng lisensya ay batay o naayon sa kung nakalabag sa batas trapiko o hindi. Kung nalalapit na ang araw ng pagrenew nito may matatanggap na pahayag na nagpapaalala na kailangan nang irenew ito na kung tawagin ay unten menkyo koushin no oshirase (unten menkyoshou koushin tsuuchisho). Ito ay ipapadala sa pamamaraan ng koreo (kung nag-iba ng tirahan kailangang ipaalam sa pulisya kung hindi ay hindi makakatanggap ng paalala). Isagawa ang kinakailangang proseso sa itinakdang Driver’s License Center o himpilan ng pulis. Mayroong pagsusuri para sa kaangkupan magmaneho at klase kapag nagparenew ng lisensya.
Kapag nakalimutang ipa-renew ang lisensya, ito ay mapapawalan ng bisa at kakailanganing kumuha ulit ng bago.
(2) Kapag lumipat ng tirahan
Kung lumipat ng tirahan kinakailangang papalitan ang adres na nakasaad sa lisensya. Kailangan ng dokumentong nagpapatunay na lumipat ng tirahan (Alien registration card/Health Certificate) at dalhin ito sa himpilan ng pulis malapit sa tirahan o sa Driver’s License Center.


CLAIR