
|
Lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan (driver’s license) |
|
1-6 Pagsususpinde at pagbabawi ng lisensya / Pagmumulta
(1) Ano ang tinatawag na sistema ng puntos sa Japan?
Ang sistema ng puntos sa Japan ay kung saan bibigyan ng puntos ang bawat paglabag sa mga batas pang-trapiko, pagbaliwala sa ilaw pang-trapiko, at ilegal na pagparada. Kapag naabot o nalagpasan ang bilang ng puntos na naitakda sa loob ng tatlong taon, ang lisensya ay maaring ikansela o isuspindi (Kapag hindi pa nakakuha ng parusa sa loob ng nakaraang tatlong taon, ang 6 hanggang 14 na puntos na naitakda ay katumbas ng pagsuspinde samantalang ang puntos na mahigit sa 15 ay katumbas ng pagbabawi ng lisensya). Ang hit and run, pagmamaneho nang nakainom, pagmamaneho nang walang lisensya ay may katumbas na mabigat na parusa.
(2) Ang paglabag sa batas trapiko kahit gaano kagaang ay makakaapekto sa Traffic Infraction Notification System (koutsuu hansoku tsuukoku seido)
Kapag lumabag sa magaang na batas trapiko (hansoku koui), makakatanggap ng asul na papel (koutsuu hansoku kokuchisho) mula sa pulis sa lugar na pinaglabagan ng batas trapiko at resibo (kailangang bayaran sa loob ng walong araw kabilang ang araw na matanggap ang resibo) na kailangang bayaran sa opisina ng koreo/post office o bangko (kahit bayaran ang multa madadagdagan pa rin ang puntos).
●Mga paglabag sa batas trapiko at ang nakaukol na puntos at multa nito
| Mga Uri ng Paglabag sa Batas Trapiko |
Puntos |
Multa (Malaking Sasakyan) |
Multa (Ordinaryong Sasakyan) |
Multa (Motorsiklo) |
| Matuling pagmamaneho (lagpas 25km hindi lalampas 30km) |
3 |
¥25,000 |
¥18,000 |
¥15,000 |
| Ilegal na pagpaparada (bawal na paradahan atbp.) |
2 |
¥21,000 |
¥15,000 |
¥9,000 |
| Paghinto sa bawal na lugar (bawal na paradahan atbp.) |
1 |
¥12,000 |
¥10,000 |
¥6,000 |
| Pagbaliwala sa ilaw pang-trapiko (tulad ng pulang ilaw trapiko) |
2 |
¥12,000 |
¥9,000 |
¥7,000 |
| Pagdaan sa bawal daanan |
2 |
¥9,000 |
¥7,000 |
¥6,000 |
| Pagdaan sa hindi sakop na bahagi ng daan |
2 |
¥12,000 |
¥9,000 |
¥7,000 |
| Over-taking |
2 |
¥12,000 |
¥9,000 |
¥7,000 |
| Paglabag sa batas ng interseksyonne |
2 |
¥12,000 |
¥9,000 |
¥7,000 |
| Paggamit ng cellphone |
1 |
¥7,000 |
¥6,000 |
¥6,000 |
|