日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGN02-1

2
Pagmamay-ari at paggamit ng sasakyan
Ang mga nagmamay-ari o gumagamit ng sasakyan ay may mga obligasyon tulad ng pagrerehistro, paghanap ng paradahan, pagsusuri ng sasakyan, at pagpasok sa insurance. At kailangang tandaan na kailangan ng panggastos para sa mga kinakailangan sa paggamit ng sasakyan.
2-1 Pagrehistro ng sasakyan
Sa mga sumusunod na sitwasyon ay kinakailangang iparehistro sa Transportation Bureau na tagapamahala sa pook na paggagamitan o pagmamay-ari ng sasakyan at kinakailangan ding lagyan ng plaka ang lahat ng sasaykyan. Ang proseso ng pagrerehistro ay maaring ipaasikaso sa pinagbilan ng sasakyan. Sa pagbili at pagpaparehistro ng sasakyan, kakailanganin ang jitsuin o rehistradong pantatak (Basahin ang D Mga iba pang pagpaparehistro 5 Pantatak).

Mga sitwasyon na kailangang magparehistro Lugar ng pagrerehistro
・ Kapag bumili ng sasakyan
・ Kapag nagbago ang may-ari ng sasakyan o ang tirahan ng may-ari
・ Kapag ibinigay sa ibang tao o nabigyan ng sasakyan
・ Kapag hindi na kailangan ang sasakyan at ito ay itatapon na
・ Kapag nawala ang plaka ng sasakyan
Transportation Bureau na tagapamahala sa pook ng paggagamitan o pagmamay-ari ng sasakyan


CLAIR