日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGN02-3

2
Pagmamay-ari at paggamit ng sasakyan
2-3 Inspeksyon ng sasakyan (shaken)
Ang itinutukoy ng pangkaraniwang tinatawag na shaken ay ang pag-iinspeksyon ng sasakyan na ginaganap sa takdang panahon upang matiyak na ang sasakyan ay ayon sa standard ng batas. Hindi maaaring magpatakbo ng sasakyan sa kalsada kapag ito ay hindi pumasa sa inspeksyong ito at walang sertipikong nagpapatunay ng pag-inspeksyon ng sasakyan (shakenshou). Ang bisa ng shaken ay dalawang taon para sa pangkaraniwang sasakyan (tatlong taon para sa bagong biling sasakyan) at kailangang magpa-inspeksyon sa bawat dalawang taong lumipas. Kapag nakapagpa-inspeksyon, makakakuha ng parisukat na sticker at ito ay idikit lamang sa harap na salamin ng sasakyan.
Maaaring ipagawa ang pag-iinspeksyon ng sasakyan sa dealer subali’t ito ay may karagdagang bayad. Kapag nais itong sariling gawin, magtanong lamang sa Transportation Bureau na malapit sa inyo.


CLAIR