
|
Pagmamay-ari at paggamit ng sasakyan |
|
2-4 Japan Automobile Federation (JAF)
Ang JAF ay nagbibigay ng tulong 24 oras sa buong taon kapag naaksidente o nasira ang sasakyan. Maliban dito, kapag kayo ay naging miyembro nito, maaari ding makakuha ng mga impormasyon tungkol sa pagmamaneho.
(1) Pagpapalabas ng pagsalin ng lisensya na ipinagkaloob sa ibang bansa
Kailangan ng pagsalin ng lisensya na ipinagkaloob sa ibang bansa sa wikang Hapon upang ipapalit ang lisensya ng ibang bansa sa lisensya ng Japan. Ang mga kinikilalang pagsalin ay ang mga pagsalin na isinagawa ng JAF o embahada ng bansa sa Japan.
Ang bayad sa pagpapagawa ng pagsalin ay ¥3,000 para sa isang lisensya. Samantalang kinakailangan magdagdag ng ¥290 bilang bayad sa pagpapadala kapag nais na mag-aplay sa pamamagitan ng koreo.
●Homepage ng JAF
http://www.jaf.or.jp/index.htm (sa wikang Hapon)
http://www.jaf.or.jp/e/index.htm (sa wikang Ingles)
●Paraan ng pag-aplay
| Kinakailangang papeles |
Paraan ng pag-aplay |
Window kung saan maaaring mag-aplay |
Babayarin |
1 Application para sa pagpapalabas ng pagsalin ng lisensya
2 Kopya ng lisensyang ipinagkaloob sa ibang bansa
3 Kopya ng Alien Registration Card ※
|
Tumungo lamang sa JAF o magpadala ng money order sa JAF. |
Window para sa pagpapalabas ng pagsalin ng lisensya |
3,000 yen
<Kapag sa pamamagitan ng koreo>
Magdagdag ng ¥290 para sa pagpapadala. |
※ Ito ay kinakailangan kapag ang lisensya at ipinagkaloob sa South Korea, Thailand, Myanmar, Russia atbp. O kapag ang lisensya ay nasa wikang Arabo.
(2) Pagbenta ng binagong edisyon ng Koutsuu no Kyousoku (Rules of the Road) sa iba’t-ibang wika
Kapag kukuha ng lisensya ng pagmamaneho, mayroong librong tinatawag na Koutsuu no Kyousoku (Rules of the Road) na kailangan upang kumuha ng eksamen sa Driving License Testing Center. Maliban sa wikang Hapon, mayroong din nito sa iba’t ibang wika (tulad ng Ingles, Tsino, Portuges, Koryano, wikang Iran). Ang nasa wikang Hapon ay matatanggap nang walang bayad depende sa distrito. Ang mga nasa ibang wika ay ibinebenta sa halagang ¥1,000 (kasama ang consumption tax subalit hiwalay ang bayad sa pagpapadala).
Para sa iba pang detalye, pumunta lamang sa homepage ng JAF.
http://www.jaf.or.jp/index.htm
|