
|
Pagmamay-ari at paggamit ng motorsiklo at bisikleta |
|
Mayroon ding mga patakaran sa pagpaparada at pagrerehistro ng mga motorsiklo at bisikleta.
3-1 Pagrehistro ng motorsiklo
Ang mga motorsiko na lumalampas ng 125cc ay kinakailangang iparehistro sa District Land Transport Bureau (rikuun shikyoku) o sa opisina kung saan ipinaparehistro ang shaken sa tinitirhang lugar. Kailangan din nitong magkaroon ng plaka. Para sa mga motorsiklong mababa sa 125 cc na kung tawagin ay gendou ki tsuki jitensha, kailangan lamang itong ideklara sa munispyo ng lugar na tinitirhan.
3-2 Ang pagrehistro ng bisikleta laban sa nakawan
May mga lugar sa estasyon at iba pa na kung saan ipinagbabawal ang pagparada ng bisikleta at motorsiklo. Kapag nakumpiska ang bisikleta o motorsiklo dahil sa pagparada sa ipinagbabawal na lugar, ito ay ililipat sa takdang lugar kung saan itinatago ang mga nakumpiskang bisikleta o motorsiklo.
3-3 Paradahan ng bisikleta at motorsiklo
(1) Lugar kung saan ipinagbabawal ang pagparada ng bisikleta at motorsiklo
| Simbolong nagsasaad ng lugar kung saan ipinagbabawal ang pagparada ng bisikleta at motorsiklo |
 |
May mga lugar sa estasyon at iba pa na kung saan ipinagbabawal ang pagparada ng bisikleta at motorsiklo. Kapag nakumpiska ang bisikleta o motorsiklo dahil sa pagparada sa ipinagbabawal na lugar, ito ay ililipat sa takdang lugar kung saan itinatago ang mga nakumpiskang bisikleta o motorsiklo.
(2) Pagbabalik ng nakumpiskang bisikleta
Upang makuha muli ang nakumpiskang bisikleta, kailangan ang susi nito, Alien Registration Card, lisensya o iba pang ID. May mga pagkakataong kailangan magbayad upang makuha ang nakumpiskang bisikleta. Ang bayad na ito ay ang halagang nagamit sa pagkumpiska at pagtago ng bisikleta.
|