日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGN05-1

5
Aksidente sa trapiko
Maraming naaaksidente sa trapikong nagaganap dahil sa mga dayuhan. Hindi nalalaman kung kailan at kung saan nagaganap ang aksidente. Ang mga sumusunod ay magpapaliwanag ng mga ukol sa insurance.
5-1 Aksidente sa trapiko at insurance para sa sasakyan (jidousha hoken)
(1) Kapag naging sanhi ng aksidente
Kapag naging sanhi ng aksidente, itigil kaagad ang sasakyan, tulungan kung may nasaktang tao at pagkatapos siguraduhing walang panganib sa kalsada, tumawag sa himpilan ng pulis.

1 Pagtawag sa pulis
Ihinto ang sasakyan sa isang lugar na hindi nakakaabala sa ibang mga sasakyan at tumawag sa pulis (numero ng telepono: 110). Kapag may taong nasaktan, sabihin sa pulis na kailangan ng ambulansya at siguraduhing ligtas ang tao sa panganib.
2 Kumpirmasyon ng lugar kung saan naganap ang aksidente
Pagdating ng pulis, ipa-kumpirma ang lugar kung saan naganap ang aksidente. Huwag umalis sa lugar hanggang hindi pa dumadating ang pulis (maliban sa sitwasyong kung saan may taong nasaktan). Kapag hindi ito sinundan, maaaring hindi mabayaran ang insurance.
3 Kumpirmasyon ng isa’t isa
Siguraduhing ibigay sa taong nadamay sa aksidente ang inyong pangalan, tirahan at teleponong maaari kayong matawagan at kunin din ang kanyang pangalan, tirahan at teleponong maaari siyang tawagan.
4 Pagtawag sa insurance company
Maaaring hindi mabayaran ang insurance kapag hindi tumawag sa insurance company. Ang insurance company ay nagbibigay ng payo pagkatapos ng aksidente at nagbibigay din ng tulong sa pakikipag-usap sa taong nadamay sa aksidente kaya maaaring ipasagawa ito sa insurance company.
(2) Kapag naging biktima ng aksidente

1 Kumpirmasyon ng isa’t isa
Siguraduhing kumpirmahin ang pangalan, tirahan,teleponong maaari tawagan at numero ng plaka ng taong naging sanhi ng aksidente. Ibigay din ang sariling pangalan, tirahan at numero ng telepono.
2 Tumawag sa pulis
Tumawag kaagad sa malapit na himpilan ng pulis (110). Kailangan ng sertipikong nagpapatunay ng aksienteng naganap upang makakuha ng bayad sa pinsala mula sa insurance company o taong naging sanhi ng aksidente kaya huwag kalimutang tumawag sa pulis.
3 Pumunta sa ospital at magpagawa ng sertipikong medikal
Ito ay kailangan kung nais kumuha ng bayad mula sa taong naging sanhi ng aksidente o mula sa insurance company. Kahit na hindi malubha ang kalagayan, magpagawa pa rin nito.
4 Paggawa ng sertipikong pangtrabaho
Kapag malubha ang kalagayan, tawagan ang kumpanya kung saan nagtatrabaho upang magpagawa ng sertipikong pangtrabaho. Kailangan ito upang makakuha ng bayad mula sa taong naging sanhi ng aksidente o mula sa insurance company.
※ Kapag nasaktan dahil sa aksidente sa trapiko, maaaring makakuha ng bayad sa pinsala mula sa sapilitang insurance at pang-boluntaryong insurance ng taong naging sanhi ng aksidente.
※ Kapag naaksidente naman sa oras ng trabaho o habang papunta sa kumpanya o lugar kung saan nagtatrabaho, may bayad din na makukuha mula sa workmen’s accident compensation o tinatawag na rousai hoken.
(3) Sapilitang insurance (jidousha songai baishou sekinin hoken)
May dalawang uri ng insurance: ang sapilitang insurance at ang pang-boluntaryong insurance. Ang lahat ng nagmamay-ari ng sasakyan sa Japan ang kinakailangang sumali sa sapilitang insurance ayon sa batas na kung tawagin ay jidousha baishou sekinin hoken o jibaisekihoken. Kusang nakakasali dito sa oras na bumuli kayo ng sasakyan. Ito ay nagagamit lamang sa kasong nakadulot ng kamatayan sa ibang tao habang nagmamaneho ng sasakyan o motorsiklo. Limitado nitong binabayaran ang pinsalang naidulot sa tao.
Iba-iba ang halaga ng babayarin depende sa aksidente. Ang halagang makukuha mula sa jibaisekihoken kaya’t mas mainam na sumali din sa pang-boluntaryong insurance.
(4) Pang-boluntaryong insurance (nin’i hoken)
Ito ay ibinabayad sa mga pinsalang hindi kasama sa sapilitang insurance tulad ng pagkasira ng bagay ng ibang tao o manakawan ng sasakyan at pati na rin sa mga pinsalang naidulot sa tao kung ang bayad sa pinsala mula sa jibaisekihoken ay kulang.
Ito ay maaaring salihan sa pamamagitan ng mga pribadong insurance company.


CLAIR