日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGN05-3

5
Aksidente sa trapiko
5-3 Bayad sa pinsala (songai baisho) at Paraan ng pagkwenta (santei houshiki)
(1) Bayad sa pinsala
Mayroong apat na uri ng bayad na maaaring makuha kapag naging biktima ng aksidente:
・ Bayad para sa medikal na gastusin.
・ Bayad para sa pagpapahinga sa trabaho dahil sa pinsala.
・ Reparation fee.
・ Bayad para sa pagkamatay o sa mga epektong sanhi ng pinsala.
Ang bayad para sa pagpapahinga sa trabaho ay maaaring makuha kapag ang aksidente ay naganap sa gitna ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Bukod dito reparation fee ang makukuha.
(2) Bayad sa pinsala at paraan ng pagkwenta
Iba-t iba ang paraan ng pagkwenta sa mga bayad sa pinsala ayon sa uri ng insurance (jibaisekihoken o nin’i hoken) at ng asosasyon ng mga abogado.

Sapilitang insurance Hanggang sa halagang ¥1,200,000 lamang ang limitasyon para sa gastusing medikal. Kapag lumampas dito ang halaga ng gastusin pagkatapos ng paggagamot o after effect ng aksidente, mababayaran ito ayon sa grado ng after effect. Ito ay pangkaraniwang tuluyang magagamit hanggang sa hindi masyadong malaki ang pinsala ng nabiktima sa aksidente, subalit ito ay kadalasang ginagamit sa gastusing medikal. Konti laman ang natitira para sa bayad dahil sa pagpahinga sa trabaho at iba pa.
NIN'I HOKEN Ito ay depende sa insurance company na sinalihan ng taong naging sanhi ng aksidente.
ANG PAGKWENTA AYON SA ASOSASYON NG MGA ABOGADO Ito ay ang pagkwentang isinasagawa ng asosasyon ng mga abogado sa Japan kapag may kasong sibil. Sa mga aksidenteng trapiko, depende kung nasa taong nakasanhi ng aksidente o nasa taong naging biktima ng aksidente ang mas mabigat na responsibilidad kaya ang halaga din ay naiiba ayon dito.


CLAIR