Ang lipunang Hapon ay may mga katangi-tanging patakaran at kaugalian sa pamumuhay tulad ng paglalabas o pagtatapon ng basura, pag-aalaga ng hayop, pag-iingay at paggamit ng kuwarto, pakikipagsalamuha sa mga kapitbahay, at pagdiriwang ng mga okasyon. Ang mga impormasyon para makapanirahan nang komportable sa Japan ay tatalakayin dito.
May 15 na araw na itinuturing o kinikilalang piyestang opisyal (holiday) sa Japan. Sarado ang mga paaralan, opisinang gobyerno at pampribadong opisina sa mga araw na ito ngunit ang mga shopping districts at department stores ay bukas tulad ng kapag ito ay bukas tuwing Linggo.
| Ika-1 ng Enero |
Bagong Taon |
Ipinagdiriwang ang bagong simula ng taon |
| Ika-pangalawang Lunes ng Enero |
Coming of Age Day |
Ipinagdiriwang ang pagkakaroon ng kamalayan at pagiging mayor-de-edad (20 taong gulang) ng mga kabataan |
| Ika-11 ng Pebrero |
National Foundation Day |
Paggunita sa pagkatatag ng bansa upang pagtibayin ang pagmamahal sa sariling Bayan |
Ika-20 ng Marso
(Iba-iba taun-taon) |
Vernal Equinox Day |
Paghanga sa kalikasan at pagpapahalaga sa mga nilalang |
| Ika-29 ng Abril |
Araw ng Shouwa |
Ginugunita sa araw na ito ang pagsulong mula sa kahirapan at ang panahon ng Shouwa na kung saan nakabangon ang bansa at ang pag-iisip ng kinabukasan ng bansa |
| Ika-3 ng Mayo |
Araw ng Konstitusyon |
Ipinagdiriwang ang pagkaproklama ng Konstitusyon ng Japan at paghahangad sa pag-unlad ng bansa |
| Ika-4 ng Mayo |
Greenery Day |
Ipinagdiriwang ang pagpapahalaga sa kalikasan at pagtanaw ng utang na loob dito |
| Ika-5 ng Mayo |
Araw ng mga Bata |
Ipinagdiriwang ang araw na ito para sa pagpapahalaga sa mga karapatan at paghangad sa mga kaligayahan ng mga bata at pagbibigay pasasalamat sa mga ina |
| Ika-tatlong Lunes ng Julyo |
Araw ng Karagatan |
Ipinagdiriwang ang araw na ito para sa pagbibigay pasasalamat sa mga pinakinabanganang mga yamang dagat at ang paghangad sa kasaganahan ng mga bansang napalilibutan ng karagatan |
| Ika-tatlong Lunes ng Setyembre |
Araw ng Paggalang sa mga Matatanda |
Paggalang at pagbibigay pasasalamat sa mga itinulong ng mga matatanda sa lipunan at ang pagdiwang sa kanilang mahabang buhay |
Ika-23 ng Setyembre
(Iba-iba taun-taon) |
Autumnal Equinox Day |
Paggalang sa mga ninuno at sa mga lumaon na |
| Ika-pangalawang Lunes ng Oktubre |
Araw ng Isports |
Ipinagdiriwang upang maging malapit ang loob at kaisipan sa isports at upang magkaroon ng magandang kalusugan |
| Ika-3 ng Nobyembre |
Araw ng Kultura |
Pagpapahalaga sa kalayaan at kapayapaan at ang pagpapa-unlad sa kultura |
| Ika-23 ng Nobyembre |
Labor Thanksgiving Day |
Pagpapahalaga sa paggawa, pagdiriwang sa produksyon, at pagpapasalamat sa isa’t-isa |
| Ika-23 ng Disyembre |
Kaarawan ng Emperor |
Ipinagdiriwang ang kaarawan ng Emperor |