
|
Mga tuntunin, kaugalian at kasanayan sa pamumuhay |
|
2-3 Tuntunin at kaugalian sa pamumuhay: Pag-aalaga ng hayop
(1) Pagrehistro ng aso
Kapag mag-aalaga ng asong mahigit sa 91 araw makaraan ang kapanganakan, ang nag-aalaga o ang may-ari ay obligadong irehistro ito sa munisipyo. Pagkakalooban ng dog tag na nagpapatunay na ang aso ay rehistrado na. Kailangan ang dog tag buong buhay kaya importanteng ipasuot ang dog collar na nakakabit ang dog tag. Dahil dito kung mang ang aso ay makawala, kapag itinawag ng nagmamay-ari ang pagkawala ng aso sa munisipyo o health center siguradong maibabalik ito sa taong nagrehistro dito.
Ang dumi ng aso ay kinakailangang iligpit at itapon nang maayos kapag ang aso ay dumumi habang ito ay ipinapasyal. Ihanda ang mga kakailanganing gamit para dito sa tuwing lalabas na kasama ang aso. Sa Japan, bilang na bilang lang ang mga tirahan na nagpapahintulot sa pag-aalaga ng hayop sa loob ng bahay. Bago magdala o mag-alaga ng hayop sa tirahan, sumangguni muna sa taga-pamahala o may-ari ng tirahan. Ang asong napakawalan ay nagiging sanhi ng mga aksidente tulad ng pangangagat kaya importanteng ikadena ang asong inaalagaan.
(2) Bakuna laban sa rabies
Ang may-ari ng asong mayroong mahigit sa 91 araw ay obligadong ipabakuna ang aso laban sa rabies isang beses sa isang taon ayon sa batas. Ang sabay-sabay na pagpapabakuna ay nagaganap isang beses sa isang taon kaya ang mga nagparehistro ng kanilang mga aso ay makakatanggap ng paalala tungkol dito. Ang tungkol dito ay ipapahayag din sa mga bulletin board ng munisipyo. Kapag hindi nakasama sa maramihan o sabay-sabay na pagpapabakuna, maari ding magpabakuna sa beteneraryo. Matapos ang pagpapabakuna may matatanggap na chuusha sumishou at ito naman ay kailangan upang makapag-aplay ng kyoukenbyou yobou chuusha zumihyou o patunay na napabakunahan na ang aso.
(3) Kapag hindi na kayang alagaan ang hayop
Ang alagang hayop ay isang kasapi ng iyong pamilya kaya alagaan ito nang mayroong pagmamahal hanggang sa dulo. Kung dumating ang araw na hindi na kakayanin pang alagaan ang hayop dahil sa kung ano mang dahilan, humanap ng ibang taong maaring mag-alaga nito. Kapag hindi talaga makahanap ng kapalit na tagapag-alaga nito, sumangguni sa health center para malaman kung anong nararapat gawin dito.
(4) Kapag namatay ang alagang hayop
Kapag namatayan ng aso o pusa, maaring ipasunog ito sa punenarya ng munisipyo (mayroong bayad ito). Para sa iba pang mga detalye makipag-uganayan sa munisipyo.
|