日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGO02-4

2
Mga tuntunin, kaugalian at kasanayan sa pamumuhay
2-4 Tuntunin at kaugalian sa pamumuhay: Ingay sa araw-araw
Ang mga ingay sa loob at paligid ng bahay na dulot ng araw-araw na pamumuhay ay tinatawag na seikatsu souon. Ang mga ingay ay maaaring magmula sa ingay na dulot ng paggamit ng aircon, washing machine, paliguan at banyo, piano, stereo o radio, telebisyon, mga tahol o ingay ng aso at pusa. May mga ingay din na mula sa pag-akyat at pagpanaog ng hagdan at tunog mula sa pagbukas at pagsara ng pintuan. Ang pagpapagpag ng futon ay itinuturing ding ingay.
Ang problema mula sa mga ingay sa araw-araw na pamumuhay ay madalas maranasan sa mga tirahang katulad ng mga apartment at condominium dahil sa mga ingay galing sa nakatira sa taas at ibaba ng bahay. Ang ingay na sanhi ng mga reklamo ay iba-iba ang lakas depende sa nakakadama o nakakaririnig nito ngunit ang ingay sa gabi kahit gaano pa man kahina ay maaring madama nang malakas. Kapag sapit ng alas-9 ng gabi ay iwasan ng mag-ingay.


CLAIR