
|
Mga tuntunin, kaugalian at kasanayan sa pamumuhay |
|
2-7 Kasanayan sa pang-araw-araw: Sa loob ng bahay
(1) Magtanggal ng sapatos sa genkan
Tuwing papasok sa loob ng bahay sa Japan, ang mga Hapon ay nagtatanggal muna ng kanilang sapatos sa genkan o pasukan. Nagsusuot sila ng tsinelas sa loob ng bahay ngunit hindi sila nagsusuot ng tsinelas sa mga kuwartong ang sahig ay gawa sa tatami. Sa mga paaralan at ospital na kung saang marami ang taong nagsisilabas-pasok ay mayroong kanya-kanyang sistema ukol dito. Mayroong mga lugar na kung saan kailangang magtanggal ng sapatos at magpalit sa tsinelas at mayroon din namang mga lugar na hindi kinakailangang gawin ito.
(2) Futon at tatami
Ang futon ay diretsong inilalatag sa tatami at araw-araw ding nililigpit at itinatago sa loob ng aparador. Ang futon ay katulad ng kubrekama na sumisipsip ng pawahis kung kaya’t kinakailangan itong ibilad sa araw kapag mataas at maganda ang sikat ang araw.
Ang unan, makapal na kumot o kakebuton, at ang shiki buton na nilalatag sa ilalim ay isang buong set na ginagamit pero mayroon ding mga taong naglalatag ng kutchon sa ilalaim ng shiki buton.
Ang tatami ay dapat regular na linisin sa pamamagitan ng paggamit ng vacuum, walis o paggamit ng maiging pinigang basahan.
2-8 Samahan ng mga kapitbahay (chounaikai) at Kapisanan para sa kasarinlan ng magkakapit-bahay (jichikai)
Mayroong mga samahan sa Japan na tinatawag na tinatawag na samahan ng mga kapitbahay ( chounaikai) at kapisanan para sa kasarinlan ng magkakapit-bahay ( jichikai). Para sa mas detalyadong impormasyon na nauukol dito, basahin ang M Tirahan at pag-lipat bahay.
|