日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGO03-1

3
Mga pangunahing serbisyo (basic services)
Tatalakayin dito ang tungkol sa mga kailangan sa pangaraw-araw na pamumuhay katulad ng kuryente, gas, tubig, mga pagpapadala ng sulat, at mga pamamaraan ng transportasiyon at ang paggamit dito.
3-1 Kuryente
(1) Paraan para masimulan ang paggamit ng kuryente, bayad sa kuryente
Ang kuryente ay gumagana sa pamamagitan ng pagdaan nito sa metro ngunit ang kuryente ay hindi gumagana sa bahay na hindi ginagamit o hindi tinitirhan. Kapag lilipat sa bagong tirahan, kailangang tumawag muna sa kumpanya ng kuryente upang ipakonekta ang metro ng kuryente ng bahay. Pagkatapos isagawa ang nasabing proseso, iswitch ang breaker upang magamit ang kuryente. Ang kuryente sa mga bahay sa Japan ay 100boltahe. Ang mga gamit na hindi gawang Hapon ay mayroong ibang boltahe kaya dapat bumili ng adapter sa tindahan ng mga de-kuryenteng kagamitan bago ito gamitin.
Ang kailangang bayaran para sa kuryente ay sinusukat isang beses sa isang buwan at ipinapadala ang presyo at ang sukat ng nagamit na kuryente. Ang pagbabayad ay maisasagawa sa mga otomatikong postal o bank transfer, pwede din sa mga bangko, post office at convenience store.
(2) Frequency (shuuhasuu)
Ang frequency na ginagamit sa silangang bahagi ng Japan ay 50Hz, sa kanlurang bahagi ng Japan naman ay 60Hz. Ang mga ibinebentang gamit na de-kuryente sa Japan ay pwede o angkop para sa dalawang bahagi ng Japan kaya walang magiging problema dito. Ngunit kung maglilipat sa lugar na gumagamit ng ibang frequency o hindi malinaw kung ano ang ginagamit na frequency, mainam na linawin ang tungkol sa bagay na ito sa malapit na tindahan na nagbebenta ng de-kuryenteng kagamitan.
(3) Kapag nawalan ng kuryente o may brownout
Kung biglaang huminto ang daloy ng kuryente, kaagad tingnan ang switch ng breaker. Ang breaker ay nasa pader ng bahay o apartment, nasa pinakataas na parte ng pasukan kaya paglipat ng bahay ay kagad siguraduhin kung nasaan ito. Kung ang switch ng breaker ay nakababa, ito ay itaas at ilagay sa iri na ang ibing sabihin ay “on”. Kapag wala pa ring kuryente tumawag na at sumangguni sa kumpanya ng kuryente. Sa ganitong pagkakataon, kakailanganin ang contract number o keiyakubangou kaya ihanda ito bago tumawag.
Paminsan kahit na hindi brown-out, hihinto ang kuryente kapag maraming de-kuryenteng gamit na sabay-sabay ginamit. Ibaba ang switch ng breaker at tanggalin ang saksakan ng mga de-kuryenteng gamit at saka itaas ulit ang switch ng breaker.
(4) Pagpapatigil ng serbisyo (o sa oras ng paglipat-bahay)
Kung uuwi na sa sariling bansa o lilipat ng tirahan, maaring ipahinto ang serbisyo ng kuryente 3 o 4 na araw bago lumisan sa tirahan. Tumawag sa kumpanya ng kuryente at ibigay ang mga sumusunod na impormasyon tulad ng adres, pangalan, araw ng pag-alis o paglisan sa tirahan, bagong adres o telepono ng paglilipatan, contract number at sundin ang mga direksyon na ibibigay ng kausap na empleyado ng kumpanya ng kuryente. Ang babayarin na naakumula sa nagamit na kuryente ay ipapaalam sa pamamagitan ng bank transfer, o ipapadala ang halaga ng babayarin sa bagong adres.
●Mga Kailangang Malaman Tungkol sa Serbisyo ng Kuryente
Paggamit o Pagsimula ng Serbisyo Tumawag sa kumpanya ng kuryente at gawin ang kinakailangang proseso, pagkatapos ay itaas ang switch ng breaker
Frequency Silangang bahagi ng Japan: 50Hz
Kanlurangang bahagi ng Japan: 60Hz
Kapag Namatayan ng Kuryente <Kapag nawalan ng kuryente> I-check ang breaker → Pagkanakababa ang switch ito ay itaas, ilagay sa iri. Kapag hindi pa rin bumalik ang daloy ng kuryente, tumawag sa kumpanya ng kuryente (ihanda ang contract number o keiyakubangou)
<Kapag nawalan ng kuryente dahil sa sobrang paggamit> Kapag sabay-sabay gumamit ng maraming de-kuryenteng kagamitan, maaring huminto ang daloy ng kuryente. Sa ganitong pangyayari, dapat tanggalin ang lahat sa saksakan, at pagkatapos ay itaas ang switch ng breaker
Pagpapahinto ng Serbisyo Bago umuwi ng bansa o lumipat ng tirahan, ipaalam ang situasyon upang ipahinto ang serbisyo ng kuryente may 3 o 4 na araw bago lumisan sa tirahan at sundin ang mga direksyon ng empleyado ng kumpanya ng kuryente


CLAIR