
|
Mga pangunahing serbisyo (basic services) |
|
3-2 Gas
(1) City gas at LPG
Ang gas na ginagamit sa bahay ay mayroong dalawang klase: ang city gas o toshi gasu at ang LPG o kateiyou LP gasu at ang mga ito ay mayroong sarili-sariling aparato. Ang aparato ng city gas o toshi gasu ay hindi maaring gamitan ng gas na propane at ang aparatong para sa gas na propane naman ay hindi maaring gamitin sa aparato ng city gas o toshi gasu. Kailangang siguraduhin ang uri o klase ng gas dahil kailangang angkop ang aparatong gagamitin para dito. Kung bibili ng bagong aparato o lilipat ng ibang distrito, siguraduhin ang klase ng gas na gagamitin.
Ang paraan ng pagbabayad ng gas ay katulad din ng sa pagbayad sa kuryente.
(2) Paraan ng pagpapabukas ng gas
| •city gas o toshi gasu: |
Kapag gagamit nito sa unang pagkakataon, kinakailangang ipaalam sa kumpanya ng gas ang pinakaunang araw kung kailan gagamitin ito. Pupunta ang empleyado ng kumpanya ng gas at bubuksan nito ang metro ng gas at eeksamenin nito ang aparato ng gas at ituturo nito ang mga kailangang malaman para sa tamang paggamit nito. |
| •LPG o kateiyou LPgasu: |
Kung mayroong LPG sa tinitirahan, kailangang pumunta
sa nagbebenta nito upang mag-aplay sa paggamit nito. Tulad din sa city gas o toshi gasu mayroong pupunta upang eksamenin ang aparato nito at upang ituro ang mga kailangang malaman para sa tamang paggamit nito.
|
(3) Kapag nagkaroon ng singaw ng gas
Ang mga palatandaan na mayroong singaw ang gas ay kung nangangamoy gas ang paligid, ang apoy ng gas range habang ito ay ginagamit ay kulay orange, at kung ang aparato ng gas sa tuwing ito ay gagamitin ay mayroong natatanging amoy. Ito ay nagiging sanhi ng sunog kaya kapag napansing mayroong singaw ang gas, gawin ang mga sumusunod:
1. Isara ang gas at buksan ang mga binta.
2. Patayin ang apoy at ang mga switch ng de-kuryenteng kagamitan.
3. Tumawag sa kumpanya ng gas.
Upang hindi mataranta sa mga ganitong mga panahon, siguraduhing ilagay ang telepono ng kumpanya ng gas sa madaling makitang lugar.
(4) Pagpapatigil ng serbisyo (o sa oras ng paglipat-bahay)
Kung uuwi na sa sariling bansa o maglilipat na ng tirahan, tumawag kaagad sa kumpanya ng gas upang kaagad mapahinto ang serbisyo. Mayroong pupunta mula sa kumpanya ng gas at isasara ang gas at isasagawa nito ang mga kailangang proseso para sa pagbabayad ng gas.
●Mga Kailangang Malaman Tungkol sa Serbisyo ng Gas
| Para masimulan ang paggamit |
・city gas o toshi gasu: tumawag sa kumpanya ng gas. Mayroong pupunta mula sa kumpanya ng gas upang buksan ang metro nito
・LPG o kateiyou LPgasu: tumawag sa nagbebenta ng LPG at mag-aplay upang makagamit nito |
| Kapag sumingaw ang gas |
・Palatandaan na mayroong singaw: |
Amoy gas
Apoy ng gas range ay kulay orange kapag ginagamit
Nangangamoy ang aparato ng gas kapag ginagamit |
| ・Mga dapat gawin: |
1 Isara ang gas at buksan ang bintana
2 Patayin ang apoy at ang mga kagamitang de-kuryente
3 Tumawag sa kumpanya ng gas |
|
| Pagpapahinto ng serbisyo |
Tumawag at ipaalam kagad sa kumpanya ng gas na ipahihinto na ang serbisyo |
|