日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGO03-3

3
Mga pangunahing serbisyo (basic services)
3-3 Tubig
Ang paggamit ng tubig at sewerage o kanal ay nangangailangan ng pagrehistro at bayad. Mayroong mga distritong mayroong kanal at mayroon ding mga walang kanal. Iba-iba din ang presyo ng kailangang bayaran kaya makipag-ugnayan tungkol dito sa munisipyo.
(1) Pagpapabukas at pagpapatigil ng tubig
Kung simulang gagamit ng tubig o kung ipapahinto na ang serbisyo nito, kailangan makipag-ugnayan sa kumpanya ng tubig o sa namamahala sa dibisyon ng tubig ng munisipyo at ibigay ang adres, pangalan, sabihin ang araw ng paglipat at sundin ang direksyon sa pagbayad ng tubig.
Ang pagbasa ng metro ng tubig ay isinasagawa tuwing dalawang buwan ngunit mayroon ding mga lugar na kung saan buwan-buwan isinasagawa ito. Ang pagbasa ng metro at ang pagbayad sa nagamit na halaga ng tubig ay ipinapadala at ito ay maaring bayaran sa mga bangko, otomatikong postal o bank transfer, pwede din sa mga bangko, opisina ng hulugan ng sulat, at convenience store.
(2) Kapag may sira ang gripo
Kapag sumabog ang gripo o kung ito ay mayroong sira, itali ito ng mahigpit ng tela ng hindi kumalat ang tubig, isara ang gripo at ito ay ipagawa. Makipag-ugnayan sa dibisyon ng tubig ng munisipyo.
(3) Sewerage at dumi
Ang paggamit ng sewerage o kanal ay iaplay kasabay ng pagsimula ng paggamit ng tubig. Ang babayarin ukol dito ay depende sa dami ng naggamit na tubig o sa bilang ng miyembro ng pamilya at ito ay sinisingil kasabay ng pagsingil sa tubig.
Para sa mga bahay na walang sewerage o kanal, mayroong bumubomba ng mga dumi. Makipag-uganayan sa mga otorisadong grupo na nagsasagawa nito. Ang bayad ay paiba-iba sa bawat rehiyon at ito ay naayon sa dami ng duming kailangang bombahin o sa dami ng taong nakatira sa bahay.

●Mga Kailangang Malaman Tungkol sa Serbisyo ng Tubig
Para masimulan ang paggamit Tumawag sa kumpanya ng tubig o sa dibisyon ng tubig ng munisipyo. Ibigay ang adres, pangalan, araw ng paglipat at sundin ang direksyon ng pagbayad.
Kapag maysira Kung sumabog ang tubig, itali ng mahigpit ng tela ito upang hindi kumalat ang tubig, isara ang gripo at ipagawa ang sira
Sewerage o pagpapabomba kanal <Serbisyo ng sewerage>
Iaplay ang paggamit nito kasabay ng pag-aplay ng serbisyo ng tubig
<Serbisyo para sa bahay na walang sewerage>
Ang pagpapabomba→ Itanong sa munisipyo ang mga grupong nagsasagawa ng ganitong serbisyo, ang paraan ng pag-aaplay serbisyo dito, at halaga


CLAIR