日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGO03-5

3
Mga pangunahing serbisyo (basic services)
Ang mga pamamaraan ng transportasyon sa Japan ay ang tren, bus at taxi. Ang pagbili at pagsakay sa mga tren at bus ay iba-iba depende sa rehiyon. Siguraduhin ang mga pamamaraan ng pagsakay at pagbayad sa mga sasakyan sa mga lugar na malapit sa tinitirahan.
3-5 Tren
(1) Mga uri ng tren
Ang tren ay pinangangasiwaan ng iba’t-ibang kumpanya tulad ng linya ng JR, ang linya na pinangangasiwaan ng perepaktura, at ang linya ng tren na pinangangasiwaan ng pribadong sektor. Mayroon ding mga iba’t-ibang uri ng subway, monorail at street cars.
Ang pagkasunud-sunod ng tren ayon sa bilis nito ay shinkansen o bullet train, tokkyuu, kyuukou, kaisoku, at futsuu o ordinaryong tren. Ang lahat ng tren maliban sa futsuu ay hindi tumitigil sa mga estasyon kaya tingnan ang map ng tren para malaman ang mga estasyon na hinihintuan at hindi hinihintuan at upang masanay sa sistema ng tren.
 * Depende sa distrito o sa linya ng tren, mayroon ding mga tinatawag na tsuukinkaisoku, kaisokutokkyuu, at jyunkyuu na mga iba’t-ibang klaseng uri ng tren at ang bilis at hinihintuan nitong mga estasyon ay iba-iba din.

Mga kaibahan ng bilang ng pinaghihintuan ng Toukaidoushinkansen Nozomi, Hikari, Kodama <Halimbawa ng papuntang Tokyo~Shin-Osaka>
新幹線の停車駅
Mga halimbawa ng tawag sa mga klase ng tren ng kumbensyonal na linya ng JR at mga pribadong tren ayon sa bilang ng hinihintuan nitong mga estasyon
列車の呼び方
(2) Pagtiyak ng pupuntahan sa mapa (route map)
Siguraduhin ang pangalan ng estasyon at kung magkano ang halaga ng tiket sa nakapaskil na itaas na bahagi ng bilihan ng tiket. At sa JR, ang papalapit sa Tokyo ay tinatawag na nobori at ang papalayo sa Tokyo ay tinatawag na kudari. Ang linyang papaikot naman ay tinatawag na sotomawari o uchimawari.
(3) Pamasahe
Kapag sasakay sa tren ay kinakailangang magbayad ng halaga na ayon sa layo ng patutunguhan, subalit mayroon pang kinakailangang karagdagang babayarin tulad ng tokkyuuryoukin, kyuukouryoukin kapag sasakay sa mga tren ng JR tulad ng shinkansen, tokkyuu, at kyuukou. At sa tren na mayroong tulugan na kung tawaging shindairessha, kailangang magbayad ng shindairyoukin at kapag uupo sa upuan na nakatakda na kung tawaging shiteiseki, kinakailangang magbayad ng shiteiryoukin.
Ang batang edad 12 taon ay kalahati ng bayad ng matanda, at ang bata hanggang 2 na kasama ng magulang na mayroong 6 na taong gulang ay libre. Ang ikatlong bata ay kalahati ng bayad ng sa matanda.
(4) Pagbili ng tiket
Ang tiket ng tren ay nabibili sa otomatikong bilihan ngunit maari din itong bilihin sa window ng estasyon kailangan lang sabihin ang lugar na patutunguhan. Kung hindi pa sanay gumamit ng otomatikong bilihan mas mapapanatag ang loob kapag bumili ng tiket sa window ng estasyon.
Maliban sa ordinaryong tiket, ang mga sumusunod ay mga uri ng tiket na maaring mabili.

Commuter’s pass o teikiken Mayroong itong dalawang uri, ang tsuugakuteiki na parasa mag-aaral na nagkokomyut at ang tsuukinteiki para naman sa nagtratrabaho na. Ito ay mayroong halagang pang isang buwan, tatlong buwan, anim na buwan at isang taon.
Ticket set o kaisuuken Isang banig ng tiket na mayroong lamang labing-isang tiket na maaaring mabili sa presyo ng sampung tiket.
Roundtrip ticket o oufukukippu Isang set ng tiket na papunta at pabalik. Maaring makamura kung paminsan.
One day ticket pass o ichinichijyoushaken Nakatanda kung hanggang saan maaring gamitin ang tiket at maaring maglabas pasok ng gamit ang tiket na ito sa loob ng isang araw.
IC card “Suica”(JR ng East Japan), “TOICA”(JR ng Toukai), “ICOCA”(JR ng West Japan) at ang maaring gamitin sa mga pangunahing linya ng tren at bus sa mga lungsod na kung tawaging “PASMO.” Ito ay pre-paid card.
(5) Ticket gate (jidou kaisatsu)
Kapag dadaan o papasok sa otomatikong ticket gate at ipinasok ang ticket, ito ay lalabas sa kabilang dulo ng pasukan. Huwag itong kakalimutang kunin at itago. Kapag palabas naman, ang ticket na ipinasok sa otomatikong ticket gate ay hindi na muling lalabas kaya dumaan at huwag na itong hintayin pang bumalik.
Kung walang otomatikong ticket gate, pabutasan ang tiket bago sumakay.


CLAIR