
1-2 Paghahanda para sa oras ng emerhensiya
(1) Personal na kard para sa oras ng emerhensiya
Para sa oras ng emerhensiya, gumawa ng personal na kard kung saan nakalagay ang mga importanteng impormasyon tungkol sa inyong sarili at siguraduhing lagi itong dala. Ang mga kailangang nakalagay na impormasyon sa personal na kard ay ang sumusunod: sariling pangalan, kasarian, araw ng kapanganakan, blood type, tirahan, numero ng telepono sa sariling tirahan, numero ng cellphone, nasyonalidad, numero ng insurance, numero ng alien registration card, numero ng pasaporte, wikang maaaring gamitin, numerong tatawagan sa oras ng emerhensiya at iba pa.
Halimbawa ng personal na kard para sa oras ng emerhensiya
(2) Nilalaman ng ulat sa oras ng emerhensiya
Kapag tumawag sa numerong 119 o 110, tatanungin ang inyong kinaroroonan upang mapuntahan ng fire truck o patrol car. Huwag magmadali at mahinahong sabihin ito nang malakas na boses. Sa mga hindi marunong ng wikang Hapon, humingi ng tulong sa mga kakilala o sa mga taong malapit na marunong ng wikang Hapon. Siguraduhing kaya ninyong sabihin ang sariling tirahan sa wikang Hapon. Kapag sinasabi sa pulis ang lugar na kinaroroonan, makakatulong na sabihin din ang mga madaling mapansing bagay na malapit sa inyo.
| ●Kapag tatawag sa bumbero 119 |
| Sabihin ang mga sumusunod: |
|
1 Sunog o emerhensiya |
2 Lugar na kinaroroonan |
| 3 Sariling pangalan |
[Halimbawa ng pagtawag ng ambulansya]
[Halimbawa ng pagtawag ng fire truck]

| ●Pagtawag sa pulis 110 |
| Sabihin ang mga sumusunod: |
|
1 Anong nangyari (aksidente o krimen) |
2 Lugar na kinaroroonan o kung saan naganap ang aksidente o krimen |
3 Sariling pangalan |
※ Kapag may taong nasugatan, maaaring tumawag din sa pulis at sila na ang tatawag ng ambulansya.
|