
1-3 Kapag oras ng emerhensiya
1-4 Sunog
(1) Kapag may sunog
Kapag nagkasunog, sumigaw ng “Kaji da!” upang ipaalam sa mga tao sa paligid. Tumawag kaagad sa bumbero (119) kung hindi kayang patayin ang apoy o kung umaabot na ito sa kisame.
(2) Tungkol sa patunay ng pagka-biktima ng sakuna (risai shoumei)
Kung kayo ay naging biktima ng sunog at nais ninyong makatanggap ng bawas sa binabayarang buwis o kaya ipagpaliban ang pagbabayad nito, kinakailangan ninyo ng risai shoumei o patunay ng pagka-biktima ng sakuna. Upang mapagkalooban nito, kailangang nasuri ng bumbero ang lugar kung saan naganap ang sunog. Magtanong lamang sa nalalapit na istasyon ng bumbero para sa iba pang detalye bago mag-aplay para dito.
|