
1-5 Aksidente sa trapiko
(1) Kapag naging biktima
(2) Kapag ikaw ang maysala
(3) Pagkuha ng sertipiko ng aksidente sa trapiko (koutsuu jiko shoumeisho)
Ang sertipiko ng aksidente sa trapiko o kung tawagain ay koutsuu jiko shoumeisho ay ipinagkakaloob ng Jidousha Anzen Unten Sentaa (Center for Safe-driving) upang ipatunay na may naganap na aksidente. Kakailanganin ito kung sisingil ng bayad mula sa insurance company. Ang application form para dito ay makukuha sa kouban (presinto ng pulis) na malapit sa inyong tirahan.
Ang maaaring mag-aplay ay ang taong naging sanhi ng aksidente, ang taong naging biktima ng aksidente, kamag-anak, o iba pang taong may karapatang kumuha ng insurance money. Tandaan lamang na hindi maaaring makakuha nito kung hindi ipinahayag sa pulis ang naganap na aksidente.
1-6 Krimen
Kung nanakawan o naging biktima ng mandurukot, karahasan o stalking, ipahayag kaagad sa malapit na presinto o himpilan ng pulis. Tumawag sa 110 kung emerhensiya ito.
|